Putukan o Basaan?

24 Jun

Kabilin-bilinan ng mga tiyahin ko noong nakatira pa ako sa Sta. Mesa, Manila na huwag na huwag dadaan sa San Juan sa araw ng San Juan dahil wala silang sasantuhin, lahat mababasa, kagaya ng nasa larawan. Nagbabasaan din sa Baylan sa Batangas, Punta-Taytay, Bacolod City at sa Camiguin. Ito raw ang bersyon natin ng mga water festivals ng mga kapitbahay nating mga bansa. Bilang isang predominanteng Katoliko, ipinagdiwang ito ng Pilipinas upang alalahanin si San Juan (Bautista) ang nagbinyag kay Jesus.


Kung sa bandang Greenhills ay nagkakabasaan lang, sa mga beach sa Barcelona, hindi lang nagkakabasaan, nagkakaputukan pa.

Ganito ipagdiwang ang San Juan dito. Sinasalubong ng maraming paputok, konsiyerto, parties, picnic sa beach, at kung anu-ano pang putukan. Imbes sa Bagong Taon magpaputok, ginagawa nila ito sa bisperas ng Sant Joan (ang Catalan para sa San Juan)

Ang pinakatampok sa gabing ito ay ang pagsisindi ng mga hogueras (bonfire), isang antigong ritwal na ginagawa rin sa iba’t ibang bahagi ng Europa upang ‘bigyan pa ng puwersa ang araw’ na unti-unting hihina pagdating ng winter season.

At bago dumating ang mga buwan ng taglamig, ngayon muna ay marami ang lalabas, kakain ng coca at iinom ng cava at magpa-party all night long upang ipagdiwang ang kapanganakan ni San Juan o kaya naman ang opisyal na simula ng beach season.

*****

Marami-rami na rin ang memorable experiences ko sa mga gabi ng San Juan. Dahil sa maraming tao, maraming alkohol sa katawan, maraming nagsu-swimming, maraming distractions, marami rin ang nananakawan. At isa na ako dun, yung nanakawan.  Sa anim na taon ko sa Maynila at matapos akong maakyat-bahay, akala ko na-develop na ang anti-theft instincts ko, at isa pa, ako ang tipo na kapag nagdi-dinner sa labas, yakap-yakap ko ang bag ko kahit deodorant lang ang laman nito. Ang sama kasi ng pakiramdam kapag nanakawan, lalo na yung hindi mo alam.  Buti na lang, noong gabing iyon, ang kupas na knapsack ko lang ang mapapakinabangan ng magnanakaw.

*****

Nanakaw na rin ang aking inociencia. Akala ko naman kasi kuwitis lang ang pinapaputok, ang iba lahat pinapaputok. Baka siguro hindi pa sapat ang init ng mga bonfire, kaya may iba nagpapainit ng konti.  Akala ko sa tinagal-tagal ko sa Barcelona, zero na ang culture shock, mas open-minded na ako. Hindi ko na pinapansin at hindi na ako namamangha sa mga nagpa-public display of affection at hindi na rin nagtatalon sa tuwa kapag nagpupunta sa nudist beach. (Hindi naman kasi lahat ng mga naghuhubad nakakatuwa). Wala na sa akin yung mga naghahalikan sa kalye na halos kainin na nila yung isa’t isa, yung halos magkapalit na sila ng mukha. Wala na sa akin yun.  Pero ibang usapan na yung mag-live show sa harapan ko, yung puwede mo siyang kalabitin at puwede kayong mag-heart-to-heart talk, at sa harapan ng mga children at parents at the whole wholesome family na gumagawa ng mga kastilyong buhangin sa dalampasigan. Mabuti na lang at malamig pa nga at hindi nila kinailangang tanggalin ang kanilang mga damit. At mabuti na lang mas maingay ang mga paputok.

Hindi ko na hinintay na makarating pa sila sa heaven o kaya sa Greenhills, baka magkabasaan pa. DIT

*****

Sa mga gustong makakita kung ano ang itsura ng beach na pinaggaganapan ng Revetlla de Sant Joan sa Barcelona, puwedeng i-google o i-check ang tourism website ng Barcelona o kaya naman panoorin na lang ang latest video ni Shakira–Loca. Marami ngayon nito sa Barceloneta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: