Reyna Elena sa Barcelona Smile of the Week

8 Jun

Marjorie Ilao Unciano, bilang Reina Elena, mula sa grupong Block Rosary ng Filipino Personal Parish sa Barcelona, kasama ang Emperador Constantino at kanyang mga konsorte.

‘Parang nasa Pilipinas lang ako’.

Ito parati ang komentaryo ng mga Pinoy na bumibisita sa Barcelona. Bukod sa maraming Pinoy rito at makakabili ka ng longanisa at Boy Bawang sa may kanto, marami-rami na rin ang mga pagdiriwang na likas sa Pilipinas ang isinasagawa na rin sa Barcelona. Noong nakaraang taon nga ay nagsagawa ng kanilang Fiesta de Peñafrancia sa Rambla del Mar ang mga Bicolano, ang mga debotong Katoliko naman sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw ay  nagsasagawa ng Via Crucis sa Montjüic, kahapon lang ay ipinalabas ang pelikulang Pinoy na ‘Kinatay’ sa Casa Asia, nag-Kundiman at nag-Harana na rin ang Ang Bagong Filipino, ang taunang Independence Day sa Barcelona, at marami pang ibang kaganapan na magpapatunay na kahit saan man mapadpad ang mga Pinoy, nandoon pa rin ang mga kaugaliang Pilipino. Isama na natin ang chismisan.

Isang magandang chismis ay ang idinaos na Santacruzan noong ika-29 ng Hunyo sa Raval. Lumahok ang iba’t ibang asosasyon na napapaloob sa Filipino Personal Parish sa Barcelona. Makikita sa mga larawan ang ipinakitang kagandahan: mga Filipina at ang kulturang Pinoy.

Sino ang Reyna Elena? Iyan parati ang tanong sa tuwing may mga Santacruzan. Ang Reyna Elena kasi ang itinuturing na pinakatampok sa Santacruzan. Ayon sa leyenda, si Santa Helena, ang ina ni Constantino, ay nagpunta sa Kalbaryo pagkatapos ng 300 taon ng pagkamatay ni Kristo. Nagtagumpay siya sa pagtuklas sa Krus na siyang nakapagpagaling sa isa sa mga nagsisilbi sa kaniya.

Hindi lamang ang mga barrio sa Pilipinas ang nagsasagawa ng Santacruzan, pati na rin ang mga Filipino sa iba’t ibang dako ng mundo ay nagsasagala na rin. Ang Santacruzan ay ang pinakatampok na pagdiriwang sa Flores de Mayo at isa sa mga naiwang impluwensiya ng España sa Pilipinas. Maraming salamat po kina AC Molera at Marjorie Ilao Unciano para sa mga larawan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: