Pang-Sports pa!

17 May

Everyone is invited to Casa Asia’s conference on the role of sports in social cohesion. Our very own Elmer Dimayuga, who established a Taekwondo school in Barcelona, will be one of the speakers.

The talk will be held on 23 May, Wednesday, 7 p.m. at Auditori Tagore, Casa Asia, Avenida Diagonal, Barcelona.

To know more about the event and the speakers, you may download this document: esports

Game over!

17 Apr

Isinulat ni Joy Rebanal-Laygo

Masamang-masama ang loob ko nung araw na iyon. At para ma-relax ang puso at isipan ko, naisipan kong maglaro ang mga games na naka-download sa celfone ko. Iyong “brickbreaker” ang napili ko. Ang instruction, bibigyan ka ng 3 buhay. At habang nilalaro mo ito, may mga bonuses na lalabas para dumami pa ang buhay mo, ammunitions at iba pang gamit para ma-break mo ang lahat ng bricks sa bawat level. Nakaka-addict kasi sa tuwing mauubos ang buhay ko, mas lalo ang pagnanasa na makataas pa ako ng isang level at malaman kung anong merong bago sa level na susunod. Doon ko ibinuhos ang lahat ng aking panggigigil. Lahat ng sama ng loob, lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ng mga sandali  na iyon. At habang sige ako sa panggigigil, siya namang dalas ng pag-game over ko. Ni hindi ako makaalis ng level three. Pero wala pa rin akong sawa sa kakapindot ng “New Game” sa tuwing mauubos ang “Life “ ko sa laro. Hanggang sa di ko na mamalayan na tumatakbo na ang oras.

At habang walang tigil ang pagpindot ko, na halos, sumakit na ang mga daliri ko sa ginagawa ko, ay naisip kong sana ang buhay gaya ng celfone or video games. Kahit may game over, pwede ka pa ulit maglaro. Pwede mong ulit-ulitin ang paglalaro hanggang sa ma-master mo na ang tricks at makaabot sa mataas na level at makakuha ng highest score. At sa tuwing makakakuha ka ng highest score, gagawin mo pa rin ang lahat para ma-beat mo ang nakaraang highest score mo. Kung minsan nga, nandaraya pa ako. Kapag alam ko na malapit na akong ma-game over, di ko na tatapusin ang laro at restart ko na ulit ang game para makapag-umpisang muli.

Sana ganun nga lang kadali at kasimple ang buhay. Pero hindi nga. Hindi ganun ang instructions sa laro ng buhay. ‘Pag start na, sa sandaling huminga ka na ng hangin, umpisa na ang laro mo. Istrikto ang laro. Walang three rounds gaya nung ibang games. Isang beses lang. Isang life lang. ‘Pag natapos na. Tapos na nga talaga. No turning back. No going back. ‘Pag nangyari na, nangyari na. ‘Pag nagkamali ka, wala nang bawian. Kailangan, ituloy-tuloy mo na lang. Unless, mabuwisit ka na sa paglalaro at ‘di mo na hintayin ang game over mo dahil kusa mo nang inihinto ang laban mo kasi pagod ka na at ayaw mong umabot ka sa puntong talunan ka na. Eh buti pa nga ang electronic games, pwede mong pindutin ang “pause” para uminom ng tubig o umihi. Eh ang buhay ba natin pwede nating itigil saglit, lalo na pag ang bilis na ng mga pangyayari sa ating buhay? ‘Pag di mo na kayang huminga sa hirap o sagad na sagad ka na sa problema? Walang pause na pwedeng pindutin. Tuloy-tuloy ang buhay. Tumigil ka man sa pagkakatayo mo, wala siyang pakialam, tatakbo at tatakbo ang oras mo, bagalan mo man o bilisan ang ginagawa mo. Ang bottomline, walang pakialam sa iyo ang buhay. Kaya dapat, ipagpatuloy mo lang hanggang di natatapos ang laro ng buhay mo.

Pero napansin ko, habang naglalaro ako ng “brickbreaker”, mas nanggigigil ako, mas galit ako sa tuwing nababawasan ang buhay ko, mas lalong hindi ako nakakaalis sa level 3. Kaya tumigil ako saglit. Nag-inhale, at exhale. Saka ko ulit sinubukang maglaro. Buo na ang concentration. Wala nang panggigigil. Ang objective ko na lang, makaalis sa level three. Tinandaan kong lahat ang mga tricks na natutunan ko para di agad mabawasan ang “3 lives” ko at sa halip ay madagdagan pa ito. Iniwasan ko ang mga dapat iwasan para makarating ako sa mas mataas na level nang buong-buo ang mga “life” ko sa laro. Pinagpawisan ako, nangati ang pisngi ko pero di ko iyon pinansin. Hindi ako nagpa-istorbo sa ingay na naririnig ko. Para bang “the greatest performance of my life” ang drama ko!

At di nga ako nagkamali. Mula sa level 3, nakarating ako sa level 6. Tuwang-tuwa ako. Parang batang paslit na tumatawa ako. Kaya ko naman pala! Madami pang levels ang “brickbreaker”, ni hindi pa nga ako umaabot sa ¼. Pero uunti-untiin ko hanggang sa tumaas nang tumaas ang level na pwede kong marating. Para kahit na ma-gameover na ako, alam ko, nakarating ako sa maraming levels na pwede kong ipagmalaki kahit sa sarili ko na lang.

Hehehehe. Naisip ko muli, puwede ring i-apply sa buhay. Siguro nga, kailangan, harapin natin ang lahat ng levels ng buhay natin ng walang panggigigil. Dapat walang mabibigat na bagahe. Para buo ang konsentrasyon natin sa pagtahak sa direksyon na gusto natin. Mahirap gawin sa aktuwal na buhay pero kayang subukan kung gugustuhin. Wala namang mawawala. Ewan ko sa inyo, pero ako, pangarap kong makarating sa kadulu-duluhan ng buhay ko nang alam ko na ginawa ko ang lahat bago man lamang ako umabot sa “gameover” ng buhay ko.

Mahilig ka bang kumanta? Sali na sa Coro Asiático de Barcelona!

17 Apr

Kung ikaw ay mahilig kumanta at may edad na 18-45 taong gulang, sali na! Ipadala lamang ang iyong pangalan, edad, nasyonalidad, email at telepono sa email na ito: gpatinlaloy@casaasia.es.

Para malaman ang tipo ng boses mo, pumunta ka sa Casa Asia, Avenida Diagonal, 373, Barcelona sa Lunes, 23 ng Abril 2012, alas 8 ng gabi.

Ang korong ito ay isang proyektong interkultural ng Casa Asia na naglalayong magtampok ng mga awitin mula sa iba’t ibang bansa. Ang koro ay pamumunuan ni G. Carles Josep Comalada, isang batikang propesor ng koro at naging direktor ng Actea Cor Femini, isang koro na nagwagi ng iba’t ibang premyong nasyonal at internasyonal.

Ang pag-eensayo ay gaganapin tuwing Lunes, 8:00 – 9:30 ng gabi sa Casa Asia.

Semana Santa sa Barcelona

1 Apr

Parroquia Personal Filipina

La Inmaculada Concepción y San Lorenzo Ruiz

HOLY WEEK ACTIVITIES

APRIL 01, 2012 – Linggo ng Palaspas (Palm Sunday))

          9:30 a.m. – Bendisyon ng Palaspas (Plaza San Agustin)

       10:00 a.m. – Misa ng Sambayanan

         5:30 a.m. – Bendisyon ng Palaspas (Plaza San Agustin)

         6:00 p.m.- Misa ng Sambayanan

APRIL 02, 2012 – Lunes Santo (Holy Monday)

          8:30 p.m. – Pambayang Rekoleksyon (Guest Priests)

                               - Kumpisalang Bayan (Confession)

APRIL 03, 2012 – Martes Santo (Holy Tuesday)

          8:30 p.m. – Pambayang Rekoleksyon (Guest Priests)

                               - Kumpisalang Bayan (Confession)

APRIL 04, 2012 – Miercoles Santo (Holy Wednesday)

          8:15 p.m. – Nobena – Ina ng Laging Saklolo

          8:30 p.m. – Pambayang Rekoleksyon at Misa (Guest Priests)

                               -Kumpisalang Bayan

APRIL 05, 2012 – Jueves Santo (Holy Thursday)

           6:00 p.m. – Misa ng Huling Hapunan (Last Supper)

                                – Paghuhugas ng Paa (Washing of the Feet)

APRIL 06, 2012 – Viernes Santo (Holy Friday)

           9:30 a.m. -Via Crucis (Montjüic) Pagtitipon: Teatro Plaza Molino, Paralelo

           6:00 p.m. – Pag-alaala sa Kamatayan ng Panginoon

                                – Pagsamba sa Krus

APRIL 07, 2012 -Vigilia ng Pagkabuhay

           6:00 p.m. – Bendisyon ng Bagong Apoy at Kandilang Paskal

                                -Pagbasa ng Salita ng Diyos

                                -Bendisyon ng Bagong Tubig at Pagsariwa ng Pangako ng Binyag

                               - Misa ng Pagkabuhay

APRIL 08, 2012 – Linggo ng Pagkabuhay (Resurrection Sunday)

             9:00 a.m.- Salubong (mula sa C. Junto de Comercio

                                    at L’Arc de Plaza San Agustin)

            10:00 a.m. – Misa (Tagalog)

            11:30 a.m. – Misa (con la Parroquia San Agustin) Castellano

              6:00 p.m. -Misa (Tagalog)

               7:30 p.m. -Easter Party ng Sambayanan (Plaza San Agustin)

If you read this, you’re fired!

1 Apr

Pictures of broken display windows, burnt garbage containers and confrontations between anti-riot police and furious protesters hogged the headlines in Spain and our Facebook newsfeeds.

I was there but I did not muster the courage to witness all the action. I could get a good shot from them and they were indeed ‘newsworthy’, but it was just common sense to run for one’s own safety when the crowd dispersed was running towards you. Besides, that was not the General Strike was all about.

It seems that most of the news reduced the event to a mob and a gang of vandals, where in fact there were toddlers, school children and families in the crowd, which occupied the whole stretch of Paseo de Gracia going to Plaza Cataluña.

People tend to forget the real essence of what really took place, the reason why more than 800,000 people were there–to oppose the recent budget cuts in health, education and other social services and the labor reforms which according to a kababayan whom I interviewed, would take away more benefits from the workers and getting fired and unemployed in Spain will be much easier, hopefully not easy as what the placard says:

In English: If you read this, you’re fired. DIT

Pinoy docu “Routes” in Barcelona’s Casa Asia

18 Mar

Everyone is invited to the screening of three films which include a short documentary directed by our very own Ms. Kay Abaño.

Entitled “Routes”, the film features two young Filipino migrants and traces the path they have chosen to fulfill their dreams.

It will be shown along with two other films from China and Pakistan this Wednesday, March 21, 7 p.m. at Casa Asia, Tagore Auditorium, Avinguda Diagonal, 373  Barcelona.

For more info, please visit the following link: 3 countries, 3 short films, 3 perspectives: Philippines, Pakistan, China

Ang galing ng Pinoy…pagkatapos, ano na?

5 Mar

(Bukas po ang blog na ito sa lahat ng gustong magbahagi ng kanilang mga nasasaloob. Ipahatid natin sa buong mundo ang ating mga kuru-kuro, hinaing, papuri, pagpuna, drama o komedya ng buhay natin gamit ang ating mga panulat kagaya ng artikulo na ibinahagi sa atin ni Gng. Joy Rebanal-Laygo)

‘Di na bago sa akin ang mga balita na naglalaman ng papuri sa mga Pinoy sa ibang bansa. Magaling magtrabaho, masipag, malinis, matapat, magaling makisama, matalino, matiyaga, at marami pang iba. Nakakataba ng puso. Parang mas lalong nakakagana magtrabaho. Bayani nga…Pero teka, teka lang! Bago tayo malunod o malasing sa dami ng papuri at paghanga, ‘di ba kayo nakakaramdam ng konting kaba? Di ka ba pressured? Parang kasunod ng mga salitang naglalarawan sa isang manggawang Pinoy ay ang napakataas na “expectation”.

Parang katulad iyan ng isang beauty queen, parang si Miss Universe. Siya ang hinirang na pinakamagandang babae sa buong universo. So dapat, lagi siyang maganda, kaaya-aya, kaakit-akit. Hindi siya pwedeng tumaba, pumangit at mabungi kasi baka bawiin sa kanya ang korona niya. Kailangan mamuhay siya ayon sa “expectations” ng mga taong tumatangkilik sa kanya. Hanggang sa hawak niya ang titulo, hindi siya pwedeng mag-asawa o mabuntis kasi  kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya sa isang karangalan na ipinagkaloob sa kanya. Ang tawag dun, obligasyon at responsibilidad.

Ang Madrid at ang Barcelona ang dalawang ciudad sa España kung saan napakaraming Pilipino ang naninirahan. At pagdating sa larangan ng trabaho, lalo na sa “servicio domestico”, tayong mga Pilipino ang “in demand”. Ika nga, “most requested” ang mga Pinoy. Kasi masunurin (pag baguhan pa lang), malinis magtrabaho, may “hygiene”, marunong mag-Ingles, matatalino at mapagkakatiwalaan lalo na kung may alagang mga bata sa kanilang papasukan. Kung sa trabahong restaurant naman, ganun din, madali daw ang “pick-up” ng utak ni Juan dela Cruz, kahit di nag-aral ng culinary arts, bigyan lang ng pagkakataon, sa konting panahon, kaya na niyang gampanan at gawin ang halos lahat ng trabaho sa loob ng restaurante. At napakarami pang istorya ng kagalingan ang pwedeng ikuwento kung Pinoy rin lang ang pag-uusapan.

Pero dahil nga nakakalasing ang tagumpay o papuri, may mga kababayan tayo na nakakalimutan na obligasyon niyang alagaan ang kanyang imahe bilang mabuting manggagawa. Yumayabang. Napapariwara. Kasi magaling daw sya. May nalululong sa droga hanggang sa mapabayaan ang kanyang trabaho. Mayroong suki ng sugalan. Iyong iba nga, kasusuweldo pa lang, imbes na kay misis i-entrega ang sweldo, eh kay “Martinez” nag-eentrega ng buong kinita nya. May mga kumukupit sa mga amo (dahil malaki na ang tiwala sa kanya). Tabi-tabi na lang po sa maaring tamaan. Pero ito po ang katotohanan. Masakit pakinggan ngunit kailangang may magpapaalala. Ilang Pilipino na dito sa Barcelona ang nasangkot na sa droga? Gaano kalaking pera ang pinapatalo ng mga Pilipino sa sugal? Ilang pamilya na ang nawasak? Eh, ano na ang nangyari kay “Pinoy” na ang galing-galing?

Kahanga-hanga ba ang isang komunidad na hindi ginagampanan ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya? Ang obligasyon mo bilang ano nga ba iyon? Bagong Bayani? Paano ka tatawaging magaling kung wasak ang pamilya mo? Paano ka hahangaan kung ikaw mismo ang sumisira sa sarili mo? Minsan, ang kagalingan, mas mabuting inilalagay sa puso kaysa sa isipan. Mas mabuting ang galing ay pinatutunayan at hindi ipinagyayabang.

Isang hamon ang inihahain ko ngayon sa aking mga kababayan. Tapos na tayong ipakita sa lahat kung gaano kagaling ang Pinoy, ngayon, patunayan naman natin, na ang lahat ng iyon ay katotohanan at hindi pakitang-tao lamang.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 56 other followers