Tag Archives: bahay ni kuya

Spanish Pinay pasok sa Gran Hermano

23 Jan

Ipinanganak at nakatira sa Valencia, Spain, si Mary Joy ang kauna-unahang Spanish na may dugong Pinay na nakapasok sa sikat na reality TV show na Big Brother sa Spain. Sa Spain, ang pangalan ng show ay Gran Hermano. Siya ay Biology student at nagpapart-time bilang waitress sa isang Thai restaurant. Siya raw ay masipag at matiyaga. Ibinahagi niya ang isang kasabihang Pinoy: ang sikreto ng kaligayahan ay gawin palagi ang hindi gusto. Kung may tiyaga, may nilaga baga. Sumali siya sa contest na ito upang magkaroon ng bagong karanasan at matulungan ang kaniyang pamilya.

Magiging maligaya kaya si Joy sa loob ng bahay ni Kuya? Panoorin ang kanyang video: http://www.telecinco.es/granhermano/gh_12mas1/concursantes/mary_joy/