Kung bibisita kayo sa Barcelona, Spain ay baka mag-check in kayo sa hotel na ito, ang Hotel Fonda España.
Dito rin nag-check in si Jose Rizal mahigit isandaang taon na ang nakararaan. Isa lamang ito sa mga lugar sa Barcelona na binisita ng pambansang bayani.
Bago pa man umabot sa mahigit na 20,000 ang mga Pilipinong nasa Barcelona, nauna na si Rizal na mamasyal, tumira, maging bahagi ng pahayagang La Solidaridad at makulong dito.
Upang malaman kung anu-ano ang mga makasaysayang lugar na ito, ang National Historical Commission of the Philippines kasama ang Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona ay naghanda ng mapa na pinangalanang Ruta Rizal.
Ang Ruta Rizal ay inihandog ni Consul General Catalino Dilem Jr. kasama si National Historical Commission Chairperson Maria Serena Diokno sa iba’t ibang institusyon sa Barcelona katulad ng City Hall ng Barcelona, Casa Asia at University of Pompeu Fabra.
Ang paghahandog ay isinagawa sa isang seremonya kamakailanlang sa Sala Cronicas sa City Hall ng Barcelona kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang asosasyong Pilipino sa Barcelona.
Anu-ano ba ang mga lugar na ito? Panoorin ang video na inihanda ni Consul Arman Talbo, Bb. Elizabeth Ramos at G. RJ Placino:
Leave a Reply