Konsulado sa Barcelona isasara!

21 Jan

Ipinapaliwanag ni Ambassador Carlos Salinas, sa gitna, ang napipintong pagsasara ng Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona. Kasama sa larawan sina Konsul Heneral Catalino Dillem, sa kaliwa, at si Gng. Isabelita Salinas, sa kanan.

HANGGANG Hulyo 2012 na lang ang Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona.

Ito ang ipinahatid ni Ambassador Carlos Salinas, kasalukuyang embahador ng Pilipinas sa España, sa isang pagpupulong ng mga asosasyon at negosyong Pilipino sa Barcelona, Spain noong ika-20 ng Enero.

Ayon kay Ambassador Salinas, ang desisyong ito ay dulot ng mga ‘fiscal issues’ na kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas. Ito ay masusing pinag-aralan, at ang Konsulado sa Barcelona ay isa lamang sa mga konsulado at embahada sa buong mundo na ipasasara, dagdag pa niya.

Sinigurado naman ni Ambassador Salinas na patuloy pa ring makatatanggap ng serbisyong konsular ang mga taga-Barcelona. Ayon sa kanya, ang mga staff ng Philippine Embassy sa Madrid ay bibisita at maglilingkod sa kanila nang hindi bababa sa isang beses sa isang buwan. Maaari ring magkaroon muli ng honorary consul dito.

Reaksyon mula sa mga Pilipino

Gulat, pagkalungkot at pangamba ang naging reaksyon ng mga dumalo.

Nangangamba ang ilan na tumagal muli at mas maging magastos ang proseso ng pagrerenew ng passport at pagkuha ng certification at iba pang dokumento.

Nadismaya naman ang iba. Ang pagbawas sa serbisyo raw ba ang sukling ibibigay ng pamahalaan sa naging kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas ng milyun-milyong Pilipino na tinagurian nilang Bagong Bayani? Wala man lang daw pagkokonsultang isinagawa ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipinong nasa Barcelona bago sila maglabas ng ganitong desisyon.

Nabanggit din ng ilan na ang desisyong ito ay ‘backward’ ngayon pang dumarami ang mga Pinoy rito, marami ang nagsisimulang magnegosyo, nag-iinvest sa pagbili ng bahay at ari-arian sa Pilipinas, at kung kailan mas nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang ilan sa mga kababayan dulot ng krisis sa España.

Sa kabilang banda naman ay pinuri ng ilan sa mga dumalo ang naging magandang serbisyo ng mga konsul at staff ng Konsulado sa Barcelona. Magiging malaking kawalan ito para sa mga Pilipinong nakatira sa mga rehiyong Cataluña, Baleares at Andorra. Hiniling din nila na sana ay maging kasing inam din ang serbisyong ibibigay ng mga manggagaling sa Embahada ng Pilipinas sa Madrid.

May mga nagmungkahi rin na gumawa ng petisyon upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagsasara ng Konsulado at ipadala ito sa pamahalaan sa Pilipinas.

Matatandaang ang Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona ay siyang bunga ng kahilingan at pagpupursigi ng iba’t ibang grupo ng mga Pilipino sa Barcelona apat na taon na ang nakararaan. Daniel Infante Tuaño

24 Responses to “Konsulado sa Barcelona isasara!”

  1. Oscar B. January 21, 2012 at 11:55 am #

    I think its a very big political error to close the pilipino consulate in Barcelona. Very bad for the comunity here in Barcelona and Area.😦

    • Dan January 22, 2012 at 11:12 pm #

      Hola Oscar! The Philippine government seemed to have overlooked the dynamic Filipino community we have in Barcelona, how it has contributed not only economically but also politically and culturally to the Philippines. There are more Filipinos now in Barcelona, Andorra and the Balearic Islands and logically there are more people who need services from the Philippine government. In fact, the people themselves in Consulate work long hours in order to respond to this demand.

  2. Remegio Macarandang January 21, 2012 at 7:55 pm #

    SA KINAUUKULAN:.

    Ano naman pong rason o dahilan at bakit isasara ang KONSULADO dito sa barcelona,..parang sa halip na pasulong ang paglilingkod ng ating gobyerno para sa mga pangangailangang legal at ibang kaakibat nito sa mga pilipinong naninirahan dito sa barcelona ay mukhang sa paatras yata ang takbo ng sistema,…kung may magagawa po sana tayong paraan,sa mga kinauukulan ,.,manapay gawan naman ninyo ng paraan para wag di matuloy ang hakbanging ito,..

    lubos na gumagalang.

    concerned citizen of filipino
    migrant ,,barcelona spain.

    • Dan January 22, 2012 at 11:18 pm #

      Hola Remegio!
      Budget daw ang problema kung bakit isasara ang konsulado. Mukha ngang paurong ang nangyayari. Mas maraming Pilipino ang lumalabas ng Pilipinas taun-taon kaya nangangailangan ng mas maraming ahensya ng gobyerno na maglilingkod sa mga Pilipinong nasa ibang bansa. Kahit saanmang tingnan, isa itong pagbabawas ng serbisyo. Ang tanging magagawa lamang natin ay ipaabot ang ating hinaing sa gobyerno. At dahil niluklok natin sila sa puwesto, nararapat lamang silang makinig sa boses ng mga mamamayan.

  3. Unif. January 21, 2012 at 8:12 pm #

    Cost-cutting should start at the top and not from the bottom. I would like to ask- Who audits the president? Who audits Mr. X official´s trips abroad?
    The consular staff here in Barcelona are unpretentious(no luxuries here), hardworking, service-driven members of the diplomatic corps, who clearly understood their mission -> serve the Filipino community in Barcelona. With their presence here, the big improvement in the services was obvious, community participation in cultural affairs increased, as well as response/contribution to disaster relief campaigns. Once they are gone, who will pay the price – the poor OFWs and migrantes, one of the biggest contributors to government revenue. The Phil gov´t should check its priorities.

    • Dan January 22, 2012 at 11:29 pm #

      I just hope the people from Malacañang and DFA can also read your comment. They studied the issue very well before they came up with this decision. But it seems that they have overlooked the social cost of this cost-cutting measure.

  4. Paolo Coello January 21, 2012 at 8:48 pm #

    There are more Filipinos in Barcelona than in Madrid. According to TFC survey conducted last 2009.😦

    • Dan January 22, 2012 at 11:30 pm #

      Yes Paolo! The people from the Consulate also know that.

  5. Jam January 22, 2012 at 5:43 pm #

    So,what else is new?In Canada the Consulate was closed in Calgary,Alberta (A city of 1.1 million) and now Filipinos have to travel 1300 kilometers to Vancouver British Columbia for Consular services.With travel time included I spent 72 hours for a 15 minute appointment.What a waste of time and money! OFW would be better served if the Consulate site chosen is more central.

    • Dan January 22, 2012 at 11:35 pm #

      Sorry to hear that, Jam. I always think that consulates are there and should be there to extend services to their nationals. If there is a need and a great demand, then the services should be augmented instead of closing them down.

  6. Nida January 23, 2012 at 4:04 pm #

    I’m very sad to hear this news, Dan. It is true that Consulate Services should be augmented instead of closing it. Now if the plan of the Government will be materialized, it will be a waste of time and money in going to Madrid again just to follow-up documents, renew passport & etc. Our Government in the Philippines should check it’s priorities!.

    Let us pray that Philippine Consulate here in Barcelona not be closed.

    • Dan January 24, 2012 at 12:27 am #

      The government should check its priorities and the people who decide should also have a grasp of what is happening outside. They should have consulted first the people to make a better judgment of the situation. Let us pray and let’s do something. We have already launched the group on Facebook: No to Closure of the Philippine Consulate in Barcelona. Yes to Public Service! Please invite more people to the group so they will see that we are many who oppose this decision.

  7. Maricel Veluz January 23, 2012 at 4:55 pm #

    Isang napakalungkot na balita ito para sa aming mga taga-Ibiza (Baleares). Malaki ang naitulong ng mga nagdaang Consular Outreach Program ng Konsulado ng Barcelona sa mga kababayan natin dito. Naging madali ang pagre-renew ng passports, pag-a-apply ng Dual Citizenship, pagpapa-ROB (Report of birth) ng mga batang dito ipinapanganak, at iba pang mga consular services. Sa desisyong ito ng DFA at ng Malacañang, magiging lubhang magastos at mahirap ang mga susunod na pag-aayos ng mga dokumento kung lahat ay dapat pumunta sa Madrid. Sa aking opinyon, ito ay isang pagkakait ng serbisyong dapat lamang tamuhin ng mga “bagong bayani”.

    • Dan January 24, 2012 at 12:34 am #

      Bb. Maricel, tama po kayo sa mga nabanggit ninyo. Parang minsan nga po ay lip service lang ang Bagong Bayani. Parang economic machines lang tayo, ang importansiya lang ay ang economic contribution. Pero pagdating na sa pagbibigay ng serbisyo sa atin, madali na lang i-take for granted.

  8. franz January 23, 2012 at 7:01 pm #

    Magandang araw po sa inyong lahat.. ako po ay taga barcelona, gusto ko lang pong ihayag ang aking nararamdaman.. binasa ko po ang mga comments po ninyo at kung mas maraming filipino dito sa barcelona ay dapat na hindi nila isara ang embassy dito at maaapektuhan din ang mga nakatira sa andorra na dito rin sa barcelona inaayos ang kanilang papers. mas maganda sana na humanap sila na mas affordable na office na kaya ng budget ng gobierno. Kasi ang embassy dito sa barcelona ay nasa Av. Diagonal na lugar ng mayayaman at mahal ang rent..
    God bless po at nawa ay masolusyonan ito ng ating gobierno sa magandang paraan!!!

    • Dan January 24, 2012 at 12:38 am #

      Salamat Franz sa iyong pagbabahagi at sa pagsabi ng iyong suhestiyon. Sana ay nababasa ng mga kinauukulan ang lahat ng mga nabanggit natin. Hindi nila alam kung kaagano kalaki ang magiging epekto nito sa mga Filipino rito sa Barcelona, Andorra at sa mga kalapit na lugar.

  9. NOYPI January 24, 2012 at 12:40 pm #

    sa aking sariling opinyon po lamang, ang napipintong pagsasara ng ating mahal na Konsulado ng Pilipinassa Barcelona ay hindi magiging mainam para sa mga lugar na nasasakupan nito,gaya ng Barcelona, Andorra, Rehiyon ng Catalunya at lalo na sa Isla Baleares. sa ialng taon na serbisyo ng Konsulado ng Pilipinas sa mga pook na nasasakupan nito ay gamay na gamay na nila ang mga hinaing o mga problemang kanilang nabibigyan ng mabilis na solusyon. Mga lideres na kanilang nakakausap. Kung ipasasara ito ng gobyerno, sana ay sigurado sila na ang sasalo o papalit sa Konsulado ng Barcelona ay KAYANG TAPATAN ang serbisyong kanilang ibinibigay sa mga ATING mga KABABAYANna kanilang nasasakupan

    • dan February 1, 2012 at 10:16 pm #

      simpleng math lang po ang kailangan natin. kung ang sabi ay mahigit 20 mil na Filipino ang pinaglilingkuran sa Madrid at mahigit 20 mil na Filipino ang paglilingkuran sa Barcelona, hindi ko pa alam kung ano ang magiging kalidad ng serbisyong ibibigay, isama pa natin ang mga seafarers.

  10. berna January 31, 2012 at 8:43 am #

    SANA’Y MAKARATING SA KINA-UUKULAN ANG MGA COMENTARIO PO NATING ITO AT WAG LANG BABASAHIN AT ITO’Y PARANG COMICS NA ISASARA PAGKATAPOS BASAHIN….ANG POLITICO AY MAHIRAP I-CAMBIO.. A BESES O MUCHAS BESES IYON LANG PARA BIEN NILA ANG NAKIKITA PERO SA MGA TAO O MAMAMAYAN NA KUNG SAAN NAGMUMULA ANG INCOME NILA AY DI PO NILA NILA NAKIKITA ANG MGA PANGA-NGAILANGAN NILA …SA AKING PALAGAY AY DI PO NAMAN TAMA ANG DESESYONG TATANGGALIN ANG EMBAJADA NG PILIPINAS SA BARCELONA….NAPAKARAMI PONG MAMAMAYANG PILIPINO ANG NA NGA-NGAILAN D2 , KAYA PO SANA’Y MAKITA AT PAG-ARALAN PO NINYONG MABUTI ANG MGA DESESYON NINYO…….UMAASA PO KMI NA KAMI AY INYONG PAPAKINGGAN SA AMING MGA PANAWAGAN NA WAG NINYONG AALISIN ANG EMBAJADA NG PILIPINAS SA BARCELONA….MARAMING SALAMAT PO!!!

  11. Hyundai Lodeba January 31, 2012 at 11:27 am #

    ,sana po ay wag matuloy ang pagsasara ng konsulado sa barcelona sa gayong tayo din naman ay kasama sa krisis na ito,,,bakit hindi tayo magbawas ng impleyado,,gaya ng ginagawa ng ibat ibang empresa español nagbabawas sila kasi dahilan sa krisis ganoon sana ang gawain natin at para wagmagsara ang konsulado dito sa barcelona,,,muchas gracias……

  12. Hyundai Lodeba January 31, 2012 at 11:33 am #

    Sana ay wag pong mamasamain ang aking comment na ito,, para lang po ito sa nakararami na wag magsara ang ating konsulado…

    • dan February 1, 2012 at 10:19 pm #

      marami po talagang paraaan para makabawas ng gastos kagaya ng pagbabawas ng pork barrel at iba pang luho ng mga nakatataas na opisyal. nakakalungkot po kasi parating ang ordinaryong mamamayan ang nagdurusa kapag nagbabawas ng budget o kung anuman.

  13. JOSE ANTONIO S. PALINA February 16, 2012 at 3:38 pm #

    THIS IS A VERY FRUSTRATING UPDATE ABOUT THE CONSULATE IN BARCELONA. MUCH HAVE BEEN SAID ABOUT THE FILIPINO MIGRANT BUT GOVERNMENT FAIL TO ADDRESS THE NEEDS AND ISSUES OF THE FILIPINOS IN BARCELONA. WE MADE BIG STEPS AHEAD AND PROVED THE POSSIBILITY OF WORKING HAND IN HAND , PINOYS AND CONSULATE PEOPLE IN BARCELONA. WE ARE DISPLEASED WITH THE CORRUPTION OF GLORIA BUT WE ARE NOT HAPPY WITH THIS PRESENT GOVERNMENT’S ADDRESSING OUR ISSUES. TAKE THE OFWS REMITTANCES AND REPAY THEM WITH UNGRATEFUL CLOSURE OF BARCELONA CONSULATE!

    • dan March 5, 2012 at 10:59 pm #

      They simply take us for granted. Aside from the economic significance of our remittances, we always do the best we can to give a good image to our country. Sadly, this is what the government gives us in return. We just hope our kababayans abroad get more organized and don’t forget them when we again exercise our Absentee voting rights.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: