Pinoy tampok sa TV sa Spain

14 Jan

Tampok ang Filipino community sa programang Babel ng Television Española (TVE2) ngayong Linggo, ika-15 ng Enero, alas 12 ng tanghali. Ayon sa website ng Babel, ang  mga Filipino ay kabilang sa mga imigranteng matagal nang naninirahan sa España. Ngunit kahit pa matagal na sila rito ay marami pa rin ang hindi nakakakilala sa kanila.

Ang mga batang nasa larawan ay mga mag-aaral ng Iskwelang Pinoy, isang programa ng Centro Filipino para sa mga batang ipinanganak sa España (Barcelona) na naglalayong turuan sila ng Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas, Ingles, Tagalog, Christian Values at iba pa. Bisitahin ang website ng Babel para sa karagdagang impormasyon: http://www.rtve.es/television/babel/

Sa kabilang channel naman, sa Antenna 3 ay muling sasabak sa isang singing competition EL NUMERO UNO ang kababayan nating si MARIZ MOLINA.

Nangangailangan si MARIZ ng boto para magpatuloy siya sa competition. Ang top 5 na makakakuha ng pinakamaraming boto, shares at views ay makakapasok sa competition. Kailangang mag-register para makaboto at makapag-share. Hanggang ngayong Linggo lang, ika-15 ng Enero, alas 12 ang botohan. I-click ang link para bumoto at makita ang video ni MARIZ MOLINA: http://www.antena3.com/programas/numero-uno/casting/barcelona-dia-1/

Maraming salamat kina G. Gerry Ortega at Bb. Jhess Lozano sa pagbibigay sa amin ng impormasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: