Noong Sabado ng gabi, umuwing may ngiti sa mga mukha ang halos mahigit 350 katao matapos nilang malaman ang limang sikreto ng Centro Filipino na ibinunyag sa Concert for a Cause: Tinig ng Kinabukasan.
1. Hindi lang handang maglingkod sa mga kababayan sa Barcelona ang mga boluntaryo ng Centro Filipino, game din silang sumayaw at kumanta!
Larawan mula kay Marites Saulog Alamida
Kuha ni Allan Ludovice
2. ANG ‘Queen ng Operación Triunfo’ at pride ng Filipino community sa Spain na si Alexandra Masangkay Escalona ay dati ring volunteer at produkto ng Iskwelang Pinoy.
Alexandra. Kuha ni Allan Ludovice
3. Ang mga sisters ng Centro Filipino nag-Sister Act!
Kuha ni Allan Ludovice
Si Sister Pau, ang Presidenta ng Centro Filipino, nag-Whoopi Goldberg with matching Afro!
4. Hindi lang sermon ang kayang ibigay ng founder ng Centro Filipino na si Fr. Avel, marunong magaling din siyang tumugtog ng saxophone.
Fr. Avelino Sapida. Kuha ni Daniel Infante Tuaño
May banda pa!
At may kasama pang piano
Larawan mula kay Marites Saulo Alamida
5. Marami ang nagmamahal sa Centro Filipino (25 years na ‘to) at sumusuporta sa pinaglaanan ng konsiyertong ito—ang proyektong Codesarrollo, isang lugar na magsisilbing tahanan ng mga kababayan nating matagal ng nagtrabaho sa Barcelona at nagpasyang bumalik sa Pilipinas. Ito ay naglalayon ding magsilbing lugar kung saan maaaring ibahagi ang mga kaalaman na natutunan sa ibang bansa at magbigay ng hanapbuhay sa mga kababayan nating nasa Pilipinas.
DIT
Nice pics. Looks like it was a good program with quality numbers.
It was fun 🙂