Wow, Sagrada Familia! Ang wallet ko?

16 Aug

Sobrang init. Pero kahit mainit, nakakapagtaka kung bakit may ilang tao na naka-jacket pa rin. Parang mga Pinoy action stars na kahit anong init ay naka-leather jacket pa rin. Hinubad nila ang jacket. Baka siguro naiinitan.

Pero kung naiinitan, bakit yung isa pilit pang isinisiksik ang sarili sa maraming tao. Nakikipaggitgitan. Maya-maya ay may gumagalaw sa ilalim ng jacket. Gamit ang jacket, kaniyang tinakpan ang kamay na tila ahas na sumusuot na sa bag ng matandang bakasyonista. Unti-unti nitong kinuha ang malaki at matabang pitakang pihadong may lamang malaking halaga, credit cards at kung minsan pa ay pasaporte.

Action star nga. Maaksyon ang lahat. Maraming nagulat, maraming nakakita sa nakawan. Halos lahat alam maliban na lamang sa nanakawan.

Hindi sa Quiapo o sa Cubao nangyari ito. Ito ay naganap sa parada ng Metro ng Paseo de Gracia, isa sa mga pinaka-posh na kalye sa Barcelona.

Halos normal na tanawin ang makita ng isang grupo ng magnanakaw sa mga estasyon ng tren, Metro, bus at kung saan maraming tao, maraming turista at maraming posibleng biktima. At marami rin sila kung magtrabaho. Lima. Pito. Konti na ang tatlo. Marami na ang 200. Kaya ang ibang tao takot na ring makialam. Baka kung sa Quiapo ito, kinuyog na sila. Jacket lang nila ang walang latay.

Ang Barcelona ang parating dausan ng mga komperensiya ng malalaking kompanya sa buong mundo. At sa tuwing may mga komperensya, ang laging sambit ko sa sarili ko kapag nakakita  ako ng daan-daang taong may dala-dalang maleta at sukbit ang kanilang mga conference ID, maganda na naman ang negosyo ng mga kawatan.

Ngayon ngang ginaganap ang World Youth Day rito sa España, ang mga kawatan ay nakiki-World Youth Day rin. Sila rin ay nagsusuot ng mga World Youth Day IDs, nag-aabang ng grasya, ayon pa sa kuwento ng isa sa sa mga kaibigan namin na muntik na namang manakawan.  

Yung iba naman nagpapanggap na turista. Isang beses ay medio OA na turista ang nakita ko. Walang epekto sa akin ang outfit niya na may kasama pang malaking-malaking sombrero. Turista talaga. pasimple niyang binubuksan ang bag ng walang kamalay-malay na turista. Nagsisigaw lang ako kaya dali-dali siyang nagtago sa malaki niyang sombrero.

Marami pang horror stories. Kayo na mismo ang nakaranas. Ang nakakalungkot, kamakailanlang, ay nabasa ko na para sa mga namamahala ng Metro, mas uunahin nilang hulihin ang mga hindi nagbabayad ng ticket kaysa ang mga kawatan at panatilihin ang kaligtasan ng mga taong nagbabayad ng ticket.

Buti pa si Eliana Guerrero, guerrera talaga. Kahit pinagtangkaan na ang buhay at pinagtangkaan ding suhulan ng mga magnanakaw, gamit ang kanyang silbato walang takot siya sa pagpapaalaala sa mga pasahero na may mga ladrones, pickpockets sa Metro.  DIT

Saang parada ng Metro sa Barcelona maraming ladrones?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: