Pagsama-samahin mo man ang mga alagad ni Puma Leiar at isama mo pa si Puma Leiar mismo:
Wala pa rin silang panama sa Pinoy voting power. Sa internet man o kahit may bayad pa ang text votes at phone calls, boboto pa rin tayo para manalo ang manok natin.
Ilan na ba ang napanalo natin? Heto ang ilan sa kanila:
Anna Theresa Licaros, nanalong Miss Photogenic sa Miss Universe beauty pageant noong 2007. Halos taun-taong Miss Photogenic ang Pilipinas dahil parating nangunguna sa internet votes. Nagrereklamo na nga ang mga fans ng ibang kandidata. Lagi raw kasi tayo ang panalo. Tingnan ninyo ito, nangunguna na naman ang Pilipinas: http://listas.20minutos.es/lista/miss-universo-2011-263431/
Efren Peñaflorida, tinanghal na CNN Hero of the Year noong 2009. Pinoy internet voting power din ang nakatulong para manalo siya. Ilan ba sa atin ang araw-araw o minu-minuto na bumoto para manalo si Efren?
Hindi rin kinaya ng powers ni Simon Cowell ang voting power ng mga taga-Hawaii lalo na ng Filipino-American community doon. Kaya nakaabot sa grand finals at naka-third place pa si Jasmine Trias sa American Idol noong 2004. Ano pa kaya kung tinatanggap ang overseas calls?
Ngayon ay maipapakita natin muli sa buong mundo ang Pinoy voting power. Kasalukuyang hinahanap ang New 7 wonders of Nature sa buong mundo, at ang Puerto Princesa Underground River sa Palawan ang pambato ng Pilipinas. Ito raw ang pinakamahabang underground river sa buong mundo!
Heto ang ilan sa mga larawan ng Puerto Princesa Underground River:
Ano pa ang hinihintay natin? Boto na! Kailangang gumawa ng account at i-register ang inyong email bago makaboto. Bisitahin lang http://www.new7wonders.com/archives/wonder/puerto-princesa-underground-river?lang=en . Kung tayo ay nasa Pilipinas, puwede rin ang text voting.
‘Nga pala, hindi na kailangan si Annie at ang kanyang magic panty para bumoto. Pinoy voting power, ngayon na!
DIT. Maraming salamat kay Ambassador Eddie de Vega sa pagbahagi ng impormasyon.
Leave a Reply