Kabataan nagpakitang-gilas sa Araw ng Kalayaan

15 Jun

Ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay hindi lamang ipinagdiriwang sa Pilipinas. Saanman sa mundo basta’t may Pinoy at Pinay, siguradong may selebrasyon.

Dito sa Barcelona at sa ibang lugar man, ang Independence Day ang isa sa mga pinakaimportanteng ‘piyesta’, o marahil ang pinakaimportanteng ‘piyesta’ na sa buong taon. Sa panahong ito nagtitipun-tipon ang lahat ng Pinoy, nagsasama-sama upang kumain ng pagkaing Pinoy, sumayaw at kumanta ng awiting Pinoy, nagsasalita ng mga wikang Pinoy at iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.

Pagkatapos ng mga panahon ng walang tigil na trabaho, ito ang ilan sa mga kakaunting pagkakataon kung kailan humihinto ang oras,  nagsisimula ang kuwentuhan, ang libangan, at kahit papaano ay nakakalimutan natin ang layo ng Pilipinas sa piling ng marami nating kababayan.

Sa mga sumusunod na larawan, maipapakita ang naging tema ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Barcelona. Ngayon taon, naging tampok ang mga kabataan, ang kanilang potensyal para sa sa pagbabago at pagsulong ng bansa…

Parada ng watawat ng Pilipinas

Ginanap ngayong taon ang Araw ng Kalayaan sa Plaça dels Angels, ang plaza na nasa harapan ng MACBA, Barcelona, Spain.

Ang mga batang umawit mula sa Iskwelang Pinoy ng Centro Filipino

Isa sa mga pinakamagandang pagtatanghal noong hapon. Singkil mula sa St. James the Lesser

Muli ay nagpamalas ng katutubong sayaw ang BIBAK  Barcelona gamit ang mga katutubong instrumento.

Isang interpretasyon mula sa Migrant Filipino Youth Association at Pastoral Youth Council.

Kahanga-hanga ang pagsayaw ng modern dance, lalo na ng babaeng nasa gitna.

Katutubong sayaw mula sa Asociación Visayas MindanaoWalang sinabi si Shakira sa Waka-waka niya. Mula sa Timpuyog ti Ilocano.

Isa sa mga magagaling na banda na nagpakitang gilas noong gabing iyon.

Mawawalan ba ng artista? Si Alexandra Masangkay Escalona, ang pinakapopular na contestant sa Operación Triunfo (Spanish Idol).

May taekwondo pa! Napatahimik ang lahat sa sipa, suntok, tadyak ng mga Pinoy kid champions natin.

Pahuhuli ba ang Pinoy martial arts? Ang Dangal ng Guardians Philippines Incorporated naman ay nagpakita ng arnis de mano exhibition.

Todo-bigay sa pagsayaw ang mga imbitadong mananayaw. Very professional!

At mas maraming bisita tayo ngayon: si Senador Edgardo Angara (kumakaway), ang may akda ng Philippine-Spain Friendship Day at si Ambassador Carlos Salinas (kanan)Sama-samang iwinagayway ang watawat, nagdiwang at nagsaya.

Pati ang mga hosts nag-enjoy 🙂

Alam nating lahat na ngayong taon ang ika-150 anibersaryo ni Jose Rizal at alam nating lahat ang malaking tiwala na inaatang niya sa kabataan. Tunay na malaki ang potensyal ng mga kabataan, ngunit kaakibat nito ang kanilang lubos na paninindigan, ang kanilang paninindigan sa pagbabago, sa pag-unlad. Hindi rin ito maisasakatuparan kung wala ang gabay, inspirasyon, mabuting ehemplo at paninindigan rin ng mga nakatatanda. Daniel Infante Tuaño. Kuha ni AC Molera.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: