Marami ang pagod na at napaso na sa pulitika lalung-lalo na ang mga sektor tulad ng mga kabataan, mga istudyante, mga matatanda, mga manggagawa at mga walang trabaho, at ilang sektor na naaalala lamang kapag dumarating ang halalan. Kaya nga rito sa España, dahil eleksyon na bukas, napakaraming pangyayari ang maaaring magdulot ng pagbabago.
Ang kapangyarihan ng mga tao ay walang kapantay. Isa sa mga poster ng Democracia Real Ya!
Isa na rito ang mga gawain ng movimiento social na tinatawag na 15-M o Democracia Real YA na nagsagawa ng malawakan at mapayapang pagkilos sa mahigit 60 lungsod sa Espanya at marami ring Espanyol na nasa iba’t ibang dako ng mundo ang nakiisa at gumawa ng kaparehong pagkilos sa harapan ng kani-kanilang mga embahada at konsulado. Ang kanilang mga pangunahing layunin: kapayapaan, hustisya sosyal at tunay demokrasya.
Kaya naman nakakatuwa ring marinig na kahit papaano ay may ilang pagbabago sa halalan. Ngayon ay may isa na ring imigranteng Pinay na sasabak rito. Matapos makakuha ng nacionalidad española ay patuloy pa ring nagsisilbi, at ngayon nga ay susubukang lumahok sa pulitika. Siya si Narcisa Labarete Bermudez na kakandidato bilang konsehal sa Torremolinos, Malaga.
Narcisa Labarete Bermudez, kandidato sa eleksyon bukas sa Torremolinos, Malaga.
Siya ay kabilang sa partidong Torremolinos Intercultural. Ayon sa website ng nasabing partido, si Narci ay tubong Dagupan City, Pangasinan at kabilang sa Junta de Directores ng isang asosasyon ng mga Pilipino sa Torremolinos.
Torremolinos Intercultural
Mula sa Ang Bagong Filipino, isang mainit na pagbati at sana’y magpatuloy pa ang inyong paglilingkod hindi lamang sa ating mga kababayan kundi pati na rin sa marami pang iba lalung-lalo na sa mga sektor na hindi na pinapansin pagkatapos ng eleksyon. Daniel Infante Tuaño
go go go,,,,proudly philippine made
mabuhay