Siya si Jordi, siya naman si Jordi at siya si Jordi

23 Apr

Jordi Pujol, dating presidente ng Generalitat de Catalunya at isa mga pinakamaimpluwensiyang pulitiko sa Catalunya

Jordi Hereu, kasalukuyang alkalde ng Ajuntament de Barcelona

Jordi González, kilalang TV host at anawnser sa radyo sa España

Ilang Jordi ba ang kilala ninyo?  Bakit ba ang dami-daming Jordi sa Catalunya? Isang eksplikasyon ay dahil sa maraming magulang ang sinusunod ang pangalan ng kanilang mga anak na lalaki sa patron ng Catalunya: si Sant Jordi.

Ayon sa tradisyon, si Sant Jordi o San Jorge (sa Espanyol) o St. George (sa Ingles) ay isa raw sundalong Romano noong siglo III sa Cappadocia (Turkey). Hindi niya raw sinunod ang utos ni Emperador Diocleciano na usigin ang mga Kristiyano kaya siya pinahirapan at pinugutan ng ulo. Simula noon ay itinuring siyang santo sa silangang bahagi ng Imperyo Romano at biglang naglabasan ang mahihiwagang kuwento tungkol sa kanya.

Ayon naman sa leyenda ng Catalunya, mayroon daw nakatirang nakasisindak na dragon sa Montblanc (Conca de Barberà) na pumipinsala sa mga tao at sa kanilang kabuhayan. Para raw patahimikin ito, nag-aalay sila ng isang tao na ipapakain sa kanya. Pinipili ang taong iaalay sa pamamagitan ng palabunutan, ngunit isang araw napili ang anak ng hari. Mabuti na lang at dumating ang isang guapong kabalyero na nakipaglaban at pumatay sa dragon. Ayon pa sa leyenda, mula sa dugo ng dragon ay umusbong ang mga kulay pulang bulaklak.  Dahil si Sant Jordi ay patron din sa ibang lugar, may kanya-kanyang bersyon din ng kwento ang Aragon, ilang bahagi ng Valencia, Inglatera, Portugal, Gresya, atbp.

Ang Diada de Sant Jordi na ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Abril ay maituturing na bersyon ng Araw ng mga Puso ng mga Catalan. Nagbibigay ng rosas ang mga lalaki sa  mga babae at ang mga babae naman ay nagreregalo ng libro sa mga kalalakihan. Kasabay rin nito ang pandaigdigang pagdiriwang ng Araw ng Libro.  Daniel Infante Tuaño, Hinango mula sa gencat.cat.

Mas marami pang kuwento at balita sa pinakahuling isyu ng Ang Bagong Filipino.


2 Responses to “Siya si Jordi, siya naman si Jordi at siya si Jordi”

  1. hannah April 24, 2011 at 5:54 am #

    Me ha gustado mucho este informe.. muy interesante! 🙂

  2. Dan April 26, 2011 at 7:47 am #

    Gracias, Hannah! Me alegro que te haya gustado :)Saludos!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: