‘Gusto kong (yumaman 5X)’

13 Mar

‘Walang Natira’ ng GLOC 9 & Sheng Belmonte. Basahin ang lyrics para malaman ang mensahe ng kanilang awit:

Napakaraming nurse dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila ahhh

 

Yung bayang sinilangan ang pangalan ay Pinas

Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas

Nauubusan ng batas parang inamag na bigas

Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas

Tumatakbo nang madulas mga pinuno ay ungas

Sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas

Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas

Para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas

Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli

Ang pahingay iipunin para magamit paguwi

Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri

Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti

Ng anak na halos di nakilala ang ama

O ina na wala sa tuwing kaarawan nila

Dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba

Kung hindi ka sigurado mag-isip-isip ka na

 

Napakaraming inhinyero dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Napakaraming karpintero dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila ahhh

 

Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan

Ang kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran

Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan

Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan

Isasanla ang lahat ng kanilang pag-aari

Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari

Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano

O barko kahit saan man papunta.

Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso

Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso

Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino

Kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino

Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro

Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo

Darating kaya ang araw na ito’y magiiba

Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

 

Napakaraming kasambahay dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Napakaraming labandera dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila ahhh

 

Subukan mong isipin kung gaano kabigat

Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat

Ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila

Lalayo upang magalaga ng anak ng iba

Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo

Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo

Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna ‘to

Basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

 

Napakaraming guro dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Napakaraming nurse dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Nag-a-abroad sila aahh

Gusto kong (yumaman5x)

Napakaraming tama dito sa atin

Ngunit bakit tila walang natira aahhh…

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: