SIYA BA?
SINO SA TATLO?
SINO SA KANILA?
Isinulat at Kinuha ni Daniel Infante Tuaño
SYANG TUNAY!
Heto ang mga huling performance ng tunay na Alexandra sa Operación Triunfo:
Kinanta niya ang ‘Release Me’ ni Agnes
Ka-duet niya rito ang isa pang contestant. Kinanta nila ang ‘Looking for Paradise’ nina Alejandro Sanz at Alicia Keys
Tubong Mabini, Batangas ang mga magulang niya ngunit pinanganak at lumaki si Alexandra Masangkay Escalona sa Barcelona, Spain. Si Alexandra ang kauna-unahan at nag-iisang pambato ng Filipinas sa pinasikat na singing contest sa Spain: ang Operación Triunfo. Kung proud tayo sa kaniya, kailangan natin siyang suportahang maging FAVORITO at nang sa gayon ay hindi siya matanggal sa singing contest.
Paano? HINDI sa pamamagitan ng text kagaya ng akala ng marami. Ang text ay ginagamit lamang kapag siya ay napiling alisin sa Academia. Upang maiwasan ito, kailangang siyang maging FAVORITO. Paano, tatlong simpleng simpleng paraan lamang at kahit saang dako ng mundo, kahit sa labas ng España, kahit sa Pilipinas,puedeng bumoto!:
1) I-Like ang kaniyang Facebook Fan Page: Alexandra OT 2011. Dalawang Page ang may pangalang Alexandra ot 2011. I-click lamang ang may mas maraming boto dahil ito ang opisyal at ito lamang ang bibilangin.
2) Bisitahin ang http://alexandra.otlive.es/ at i-click ang HAZTE FAN. Kailangan mo ritong mag-rehistro para makaboto.
3) Gumawa ng Twitter account at maging follower niya: @alexandraot11
At kung may mga FLASHMOBS o mga pagtitipon para ipakita ang suporta sa kaniya, sumama! Kagaya ng ginawa ng mga kababayan natin sa Barcelona noong nakaraang Sabado, ika-5 ng Pebrero. Nagtipun-tipon ang mga kamag-anak, kaibigan, pati si Konsul De Vega at ang napakaraming Pinoy na sumusuporta sa kanya suot ang TE QUEREMOS ALEXANDRA T-shirt at dala-dala ang mga banners at maskara sa Plaza Real sa Barcelona.
Louie Simbe, ang namumuno ng kanyang Official Fans’ Club, Randy Lamsen, Balitang Europe correspondent, ama ni Alexandra at ilan sa mga sumusuporta kay Alexandra. Larawan ni Randy Lamsen
Ang mga sumama sa Flashmob noong Sabado. Kasama sa larawan sina Tina Paner, ang kanyang ina, kapatid, mga tiyuhin, may-ari ng Pasa-pasa Restaurant at marami pang iba. Kuha ni Elly Sanchez
Good luck to our Filipina bet! 🙂
Hola Hannah! Thanks for visiting our blog and for the comments!
I already put E-dyario’s link on our blog 🙂
she’s one of those many pinoy talents who wants to bring pride to all of us.. let’s be a part of her success and this will be our success as well.. mabuhay ang pinoy!
We are indeed proud of her but we should also do something to get votes for her. Filipinos always top world online voting. Please tell all Filipinos all over the world to vote her in Facebook, Twitter and otlive.es. How? I already placed all the details above as well as in the previous entry on Alexandra.
YES….. Support our Filipino Pride..ALEXANDRA MASANGKAY ESCALONA, We will show to the entire world, that FILIPINO’s are very talented!!!! and I’m very proud to be a FILIPINO too… FILIPINOS are one of a kind…c”,)… so please do support our dear ALEXANDRA..,, to win on OT 2011….GOODLUCK and GODBLESS!
Hi Jhen!
Thanks for visiting our blog. We’re organizing a Flashmob. As you may know, Telecinco is cancelling Operación Triunfo and this Sunday will be its last gala. The winner will be announced this Sunday. So tomorrow, Saturday, will be our last chance to show our support to Alexandra. We will meet at MACBA, Barcelona, preferably before 4 p.m. so we could practice the dance steps. Yup, we’re thinking of doing a mass dance to the tune of Katy Perry’s California Gurls, which is the song Alexandra will sing this Sunday. We hope to see you there!