Paring Pinoy pinarangalan sa Barcelona, Spain

5 Jan

Ang video presentation ni Father Avelino Sapida

Sa 44 nominadong indibidwal na may iba’t ibang nasyonalidad at nagmula sa iba’t ibang organisasyon, inuwi ng paring Pinoy na si Fr. Avelino del Rosario Sapida ang Premi Consell d’Immigració.

Ang Premi Consell d’Immigració ay isang parangal na iginagawad ng pamahalaang lungsod ng Barcelona sa mga indibiwal na malaki ang naging kontribusyon sa integrasyon ng mga migrante.

Ayon sa naggawad ng parangal, si Fr. Sapida na Kura-Paroko ng Simbahan ng mga Pilipino sa Barcelona ay palagiang kasama at kakampi ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap.  Nagtatrabaho rin siya para sa pagkakaisa ng lahat ng mga migrante at walang pagod siyang nakikipaglaban para sa karapatan ng mga manggagawa sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang unyon ng mga manggawa. Siya ang nagtayo ng Centro Filipino-Tuluyan San Benito sa Barcelona, isang organisasyong nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga Filipino sa Barcelona at kasalukuyang Pangulo ng Kapulungan ng mga Lider Pinoy sa Barcelona (KALIPI).

Iginawad ang parangal kasabay ng daigdigang pagdiriwang ng  Araw ng mga Migrante noong ika-18 ng Disyembre.  Daniel Infante Tuaño. Hinango sa ulat ni Bb. Kay Abaño. Mga letrato hinango sa website ng Centro Filipino

Pagkilala sa isang Filipino

Kasama si Konsul Heneral Eduardo Jose de Vega (sa kanan) at ang iba pang mga lider ng mga samahang migranteng Pilipino sa Barcelona

Kasama ang ilan sa mga bumubuo ng Centro Filipino

4 Responses to “Paring Pinoy pinarangalan sa Barcelona, Spain”

  1. edga November 3, 2012 at 6:00 am #

    congrats ninong sana makarating din kodyan

  2. Neil Vergara November 3, 2012 at 5:32 pm #

    On behalf of my family here in San Francisco and my beloved hometown of Alfonso, Cavite, Philippines, we are very proud of Rev Father Sapida for his achievements here and overseas. The help and assistance he provided to all Filipinos were truly appreciated. We are so proud that he touched our lives back in Alfonso and so delighted to hear this article about him in Barcelona. God bless Father Sapida!

  3. bayani m. rodis November 6, 2012 at 5:07 pm #

    CONGRATS FATHER AVELINO SAPIDA . HOPING YOU STILL REMEMBER ME.

Trackbacks/Pingbacks

  1. Barcelona city council honors Filipino priest | MiscellaNEWS - January 10, 2011

    […] Bagong Filipino, the website which announced about the honor bestowed upon the Filipino priest, said that the Premi Consell d’Immigració is a recognition granted by the city council of […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: