Uuwi ka ba ngayong Pasko?

22 Nov

Masarap ang Pasko sa Pilipinas, parang puto bumbong. Pero sigurado ka bang makakapasok ka pa sa España pagkatapos ng bakasyon mo?

Kung ang permiso de residencia mo ay caducado na o kaya naman ay naka-tramite, bago ka umuwi ng Pilipinas o lumabas ng España siguraduhin mong mayroon kang autorización de regreso.

Dahil kung hindi, hindi ka papapasukin sa España. Kagaya ng nangyari sa isang Ecuatoriano na kasalukuyang nag-rerenew ng kaniyang pangatlong tarjeta ngunit kinailangan niyang umuwi dahil yumao ang kanyang ina. Dahil sa wala siyang autorización de regreso, hindi na siya muling makabalik sa España. Ang tugon ng gobierno ng España sa kaniya: magsimula sa umpisa, muling mag-apply ng oferta de trabajo. Oferta de trabajo sa panahon ng krisis? Kahit pa nakakatawa ang sagot ng gobyerno, wala na lang nagawa ang kamag-anak ng nasabing Ecuatoriano kundi umiyak. Basahin ang buong balita sa enLatino.com:

No espere hasta el último momento para pedir su autorización de regreso

Atrapados por no tener una autorización de regreso

At hindi basta-basta rin ang pagkuha ng autorización de regreso, kailangang humingi ka muna ng cita previa, ihanda ang mga kakailanganing dokumento at bayaran ang tasa bago pumunta sa opisinang babanggitin sa cita previa. I-click ang mga sumusunod para sa detalyeng impormasyon. Ang mga impormasyon ay nasa wikang Espanyol.

Nota Informativa Autorizaciones de Regreso

Hoja Informativa nº 40 Autorizaciones de Regreso

Ang mga batas patungkol sa extranjería ay parating nagbabago. Manatiling impormado at huwag maniwala lang sa sabi-sabi. Maaaring bisitahin ang website ng CITE kung saan makakakuha ng mga bagong impormasyon at pati na rin ang mga kakailanganing formulario para sa renovación ng tarjeta de residencia, comunitario, estudiante, carta de invitación at marami pang iba. Heto ang link: http://www.ccoo.cat/cite/aspnet/impresos.aspx

Ibinahagi ni Kay S. Abaño at Daniel Infante Tuaño

One Response to “Uuwi ka ba ngayong Pasko?”

Trackbacks/Pingbacks

  1. The Taste of Christmas: Puto Bumbong « Tawag Philippines - March 17, 2011

    […] Text from: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Puto_Bumbong Photo & Some Text from: https://angbagongfilipino.wordpress.com/2010/11/22/uuwi-ka-ba-ngayong-pasko/ Did you enjoy this article? Share […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: