Pahabol itetch sa Buwan ng Wika

7 Sep

Ang wika ay nagbabago sa pagdaan ng panahon. May mga salitang hindi na ginagamit at tuluyan nang naglalaho, at may mga bagong salita, banyaga man o imbento, ang nadadagdag. Isang halimbawa ang mga salitang Ingles na ginagamit na sa Tagalog. Tumaas man ang kilay ng mga purista, normal na sa atin ang magsalita ng Taglish sa ordinaryong kuwentuhan. Malimit ding marinig ang mga kababayan natin dito sa España na nagsasalita ng Spangalog, pinaghalong Spanish, English at Tagalog.

Kahit pa biglang sumikat ang mga jejemons, hanggang sa chat o text messages lang ang kanilang impluwensiya. Mas bonggang-bongga pa rin ang mga bekimons. Ang mga bekimons ay ang mga Pinoy na gumagamit ng gay lingo o swardspeak, bading man, babaeng bading o lalaking bading pa (?).

Mas sikat ang mga bekimons dahil sa matagal na rin kasing ginagamit ang mga swardspeak. Ang swardspeak ay sinasabing nanggaling sa salitang Cebuano na sward na ang ibig sabihin ay bakla o bading. Ang mga bading, dahil marginalized, ay gumagamit nito bilang reaksyon laban sa dominanteng kultura. Dahil sa hindi lubusang pagtanggap sa kanila ng lipunan, ang paggamit ng swardspeak ay isang paraan para lumikha ng sarili nilang lugar kung saan sila-sila lang ang magkakaintindihan. Narito ang ilang halimbawa ng swardspeak na malamang alam ninyo na rin:

Para makita ang kompletong lista, bisitahin lamang ang website ng Wikipilipinas

Upang mapanatili ang pagiging eksklusibo ng  lugar at patuloy na magkaroon ng kalayaan na magpahayag at lumikha ng mas makulay na lengguahe, madalas na nag-iiba ang mga terminong ginagamit, kaya patuloy itong nagbabago. At binabago rin nito ang ilang salitang ginagamit natin sa Filipino.  Kaya kung minsan normal na ring marinig na gamitin sa ordinaryong kuwentuhan ng mga Pinoy ang mga swardspeak DIT

Baka nga isang araw, pati ang nanay mo bekimon na rin katulad niya:

O marinig mo ang mga bata sa kalye na kumakanta ng ganito:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: