May mga nagulat, natuwa, nanibago, nagmuni-muni, mayroon pang umiyak at may iba pang humiling ng isa pang konsiyerto.
Heto ang mga naging reaksyon ng mga dumalo sa katatapos na konsiyerto ng Kundiman sa Barcelona na ginanap noong ika-14 ng Agosto sa Iglesia de San Agustin sa Barcelona. Nag-uumapaw po ang kaligayahan namin dahil napaligaya namin kayo at sama-sama nating binalikan ang awit at kulturang Filipino. Ngunit hindi namin maaabot ang aming mga mithiing ito kung wala ang tulong ng napakaraming institusyon at mga indibidwal na nagtiwala sa amin.
Kaya naman po taos-pusong nagpapasalamat ang mga bumubuo ng Ang Bagong Filipino (Asociación Filipina de Escritores e Investigadores en España), kasama na rin po ang aming naimbitahang soprano na si Ma. Michelle Sullera, ang batang-batang pianista na si Marina Gomez, ang Rusong violinista na si Eugeniu Casinov at ang aming manunula na si Miguel sa lahat ng aming mga naging sponsors katulad nina Konsul Eduardo José de Vega at ang Consulado General de Filipinas sa Barcelona na masigasig ring nagtaguyod ng konsiyerto at nagpaunlak sa aming pagdalaw, Gng. Crisanta ‘Baby’ de los Reyes Cucio ng Mastercut Hair Salon, Gng. Trini Rodeles ng Restaurante Casa Nostra, G. Rom ng Banco de Oro Remit CBN Remittance Center, Gng. Mary Daquilanea-Barnuevo ng Filinvest International, Gng. Vilma Grace de la Cruz ng Metrobank Remittance, G. Rod Estrella ng The Flann O’Brien Irish Pub, Gng. MarieClaire De Sagun Rivera ng DMCI Homes, G. Florencio Conmigo at G. Melo ng BPI Remittance, Ada Laya ng Ada Laya Saloon para sa hair and make-up nina Michelle, Marina, Eugeniu at Kay, Gng. Macrina Alcedo at ang Asociación Filipino-Catalán, Gng. Nico Cueto Medina, Pastor Bong Infante at Sister Sofia ng Jesus Is Lord Church, Gng. Dina Toledano ng Unified Bicolanos in Barcelona, G. David Martí Mayor at 2 sponsors na piniling hindi magpabanggit ng kanilang pangalan.
Maraming salamat rin po sa Parroquia Personal Filipina lalung-lalo na kay Fr. Avelino Sapida na hindi nagdalawang-isip na hayaan kaming idaos sa Simbahan ang konsiyertong ito at tumulong nang malaki sa pagbebenta ng mga tickets, pagtataguyod ng konsiyerto sa mga Pilipinong nasa Barcelona at sumuporta mula simula hanggang sa huli, Vice Consul Arman Talbo, Bb. Elizabeth Reyes Picar at Bb. Maria Fe ng Consulado General de Filipinas sa Barcelona, Sister Paulita Astillero, Bb. Vivian, Shirley, Marife, Geraldine, Adel at ang Centro Filipino, Bb. Thezz Saulog at ang grupong SAMAKABA, Tita Letty at ang grupong Immanuel, Tita Fides Bartoces, Bb. Julai Nogalada at ang Asociación Visayas Mindanao, Tita Roda at Tita Gladys ng Asociación Filipino-Catalán, BIBAK Barcelona, Ganap Guardians Brotherhood, G. Levi para sa mga larawan, G. Andrés Morte para sa video, Bb. Remy ng Parroquia Personal Filipina, Tita Evelyn ng Bibak Barcelona, Tita Elvie, Helen at Heidee Salvador, Tita Annie na pinaunlakan kaming mag-ensayo sa kanilang tahanan linggu-linggo, G. Randy Lamsen ng Balitang Europe TFC at ang aming magagaling na ushers and usherettes na sina Joseph at Venus Espiritu, Vina at si Bb. Thezz Saulog na kaagapay ang maasahang Ganap Guardians Brotherhood.
At sa lahat ng mga dumalo at hindi nakadalo dahil na rin sa may kani-kaniyang kompromiso ngunit batid namin ang inyong pagsuporta, maraming, maraming salamat din po.
Ang lahat po ng kinita ng konsiyertong ito ay ibabalik din namin sa inyo. Ang mga nalikom sa konsiyertong ito ay ilalaan upang maipagpatuloy ang paglalathala ng libreng magasin para sa mga migranteng Pinoy sa Espanya.
Abangan po ang ilang larawan ng konsiyerto na aming ilalathala sa mga susunod na araw.
Leave a Reply