Si Kristoffer Ardeña (nakaputing camisa) kasama ang mga artista at opisyal ng La Conservera. Larawan mula sa La Razon.es
Ang artistang Pinoy na si Kristoffer Ardeña at ang kaniyang likhang ‘Homage: Murcia’ y isa sa mga tampok sa La Conservera, isang Centro de Arte Contemporaneo sa Murcia.
Nilalayon ng kaniyang eksibit na alamin ang kahalagahan ng isang awit–ang pambansang awit ng Pilipinas–bilang simbolo ng pagkakaisa at identidad ng isang grupo at i-deconstruct (himayin) ito. Upang maisagawa ito, kaniyang ni-record ang iba’t-ibang bersyon at interpretasyon ng Lupang Hinirang ng mga mang-aawit at pati mga DJs na Murcianos.
Nagpahiram din ng mga silya at sofá ang mga taga-Ceuti, Murcia nang sa gayon ay makaupo at makapagmuni-muni ang mga bumibisita sa eksibit. Naroon ang eksibit hanggang ika-24 ng Oktubre 2010. Maaari ninyong bisitahin ang La Conservera para sa karagdagang impormasyon. Ulat ni Anna Mae Tolentino
Leave a Reply