Matapos humakot ng mga premyo at papuri sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga pelikulang Pilipino at matatandaan ding naging tampok ito sa Festival de Granada, ngayon naman ay dito sa Barcelona ipapalabas ang mga piling obra ng ilan sa pinakamagagaling na direktor sa Pilipinas.
Mula ika-1 hanggang ika-19 ng Setyembre, ang Filmoteca de Catalunya ay magpapalabas ng mga pelikulang nilikha nina Ishmael Bernal (Manila by Night), Lino Brocka (Insiang), Laurice Guillen (Santa Santita), Jeffrey Jeturian (Kubrador), Mike de Leon (The Rites of May), Brillante Mendoza (Serbis), Raymond Red (Bayani at Anino), Eddie Romero (Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon) at Kidlat Tahimik (Turumba). Upang malaman kung anong araw at oras ipapalabas ang paborito ninyong pelikula, i-click lamang itong programa ng sineng Pinoy sa Barcelona.
Leave a Reply