Überbusy over this:

2 Aug

Ilang araw din naming hindi na-update ang blog. Hindi na rin  kasi kinaya ng katawang-lupa namin ang sobrang daming trabaho. Isa pa ay mga inmigrante din kami, in the true sense of the word. Ang ibig sabihin mayroon din kaming mga kaniya-kaniyang trabaho, kani-kaniyang  sex social life, nag-aalala rin kami kapag bumaba ang palit ng euro sa peso at apektado rin kami kapag may mga pagbabago sa ley de extranjeria.

Kahit pa 99.9% ng mga tao sa Espanya ay nasa mga playa (beaches) na o karamihan ng mga Pinoy sa Spain ay nasa Pinas o nasa Puigcerda, tuloy pa rin kami sa paghahanda sa inaabangan ng lahat: ang kauna-unahang pagtatanghal ng Kundiman sa Barcelona. Heto na ang listahan ng mga aawitin sa gabi ng pagtatanghal na gaganapin sa Simbahan ng San Agustin sa Barcelona sa ika-14 ng Agosto, a las 8:30 ng gabi:

Ano pa po ang hinihintay ninyo, bili na! Napakamura lang ng ticket. Sabi nga ng aming charming organizer, katumbas lang ng 5 siopao ang presyo ng concert ticket. Kung manonood kayo sa Teatre de Liceu, hindi bababa sa 20 euros ang ticket price at boses lang ng soprano ang makikita mo.  At ang lahat ng makukuha namin sa konsiyertong ito ay ilalaan para sa mga gastos ng konsiyerto at sana ay mayroon pang matira upang mailaan din sa mga gastos ng pagpapalathala ng periodikong para rin sa mga ‘inmigranteng’ Pinoy. Kaya hindi po ito negosyo kung madumi man ang iniisip ng iba nating kababayan. Kung magnegosyo man kami ayon sa batas ng Espanya para sa mga legal na asosasyong katulad namin, dapat lahat ng kikitain ay mapunta sa mga aktibidad ng asosasyon at hindi sa bulsa ng sinuman. Email nyo lang kami sa angbagongfilipino@yahoo.com o tumawag sa 627 673 648 para bumili ng tickets.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: