Pera o Perra?

22 Jul

ni Marco Belviz

Alam nating lahat na ang salitang “pera” ang ginagamit ng mga Pinoy para tawagin ang “salapi”. Sa España ang salita nila sa pera ay “dinero”. Maaring ikaw ay nagtataka kung bakit hindi natin natutunan ang salitang “dinero” kahit pa tayo ay nasakop at nakipagkalakalan sa España sa mahigit na tatlong daang taon.

Balikan natin ang mga taong 1810-1812 sa Pilipinas. Ito rin ang taon kung saan ang ating mga kapatid na mga Latino sa kabilang kontinente ng South America at mga bansa katulad ng Mexico, Peru, Colombia atbp. ay nagrerebolusyon laban sa España. Sa panahon ding iyon, ang Mexico o “New Spain” ang direktang nagpapatakbo ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng kalakalang Manila-Acapulco.

Lulan ng mga barkong galyon ng España ang mga Frayleng Mexicano kasama ang mga propagandista at mga rebolusyonaryong Mexicano patungo sa ating bansa.

Ang “perra” sa salitang Kastila ay isang uri ng babaeng aso o “perro” literal na tawag sa lalaking aso sa Español.

Sa panahon ng rebolusyon ay “perra” rin ang tawag ng mga Mexicano sa dala nilang salapi dahil sa naroon ang mukha ni Reyna Isabel. Nagkaroon kasi ng mga chismis noon tungkol sa relasyon ng Reyna sa mga miyembro ng militar.

Ito ay lalong napalaganap sa pamamagitan ng kalakalan nila sa buong arkipelago ng Pilipinas hanggang sa naging “pera” na rin ang naging tawag natin sa ating salapi.

4 Responses to “Pera o Perra?”

  1. junf October 13, 2010 at 10:28 pm #

    I am a Spanish language student and i am researching about the etymology of the word PERA since i believe that this is a old Spanish word. Ive been doing Google for some time now but this failed me until I found your blog. The explanation is interesting and I am now exited to go back school with this piece of information since most of my spanish teacher can’t answer me. I heard an Argentinean called dinero as pera but i didn’t have any chance on discussing this to him. So now i can prove my theory is correct.
    Gracias muy amable sr.

    • Marco Belviz October 16, 2010 at 2:20 pm #

      Hi, welcome! That’s great! Just email us if you still have questions. -marco

  2. Daniel October 14, 2010 at 11:59 am #

    Hola! Thanks for the comment. Es un placer. Actually I also hear people calling it pela. Check this link http://www.wordreference.com/definicion/pela.

  3. Aodh Matthew October 15, 2010 at 1:07 pm #

    The Tagalog word pera is actually a loan word. The original Spanish word is perra.

    http://buscon.rae.es/draeI/SrvltConsulta?TIPO_BUS=3&LEMA=pera

    Please take note of the 5th definition and the idiomatic expression perra gorda o perra grande.

    Pela is a colloquial term for peseta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: