Galit na galit ang isang grupo ng mga Pinoy matapos silang manood ng isang pelikulang kalahok sa isang international film festival. Puros kapangitan at kahirapan lang daw kasi ang ipinakita ng Pinoy na direktor. Dapat raw ipinakita ang Boracay at iba pang magagandang beaches sa Pilipinas.
Gulat na gulat naman ang mamá ng amigo kong Español matapos mapanood ang isang reportaje (documentary) na ipinalabas kamakailanlang sa Television Española La 2 tungkol sa Pilipinas. Ganoon ba raw kadesperado ang ating mga kababayan at nagagawa nilang ibenta ang kanilang mga riñones (kidneys) sa halagang 2,500 euros, kulang-kulang P150,000. Ang sagot ko, hindi na bago ang kuwentong iyon. Mayroon ngang lugar sa Maynila na tinaguriang One Kidney Island dahil sa karamihan ng mga nakatira roon ay iisa na lang ang kanilang riñon dahil naibenta na nila ang isa. Dinarayo pa sila ng mayayamang taga-ibang bansa para bilhin ito.
Pero marami pa rin namang magagandang beaches sa Pilipinas, white sand pa. Daniel Infante Tuaño
Ang hiwa sa tagiliran ang magpapatunay na sumailalim sila sa isang operasyon nang sa gayon ay maibenta nila ang isa sa kanilang riñones. Larawan hinango sa DailyMail.Co.uk
Leave a Reply