Is that Isabel Preysler?

15 Jul

Ms. Isabel Preysler with a Y.   Ms. Ysabel Preysler, wearing a blue gown and a sash, with our other beautiful kababayans exuding poise, elegance and Filipina beauty in the parade in Madrid.

Sobrang gaganda, they got interviewed.

Ang tunay na Isabel Preysler kasama si George Clooney para sa frontpage ng magasin na ¡Hola!

Isabel Preysler at si George Clooney. Photo: http://www.elmundo.es

Kung palaging ang mukha niya ang laman ng mga magasin dito sa España at parating pinagpuputaktihan ng mga chismoso at chismosa ang buhay niya, ang buhay ng mga anak niya, ang buhay ng mga naging high-profile na asawa niya at pati ang buhay ng naging kasambahay niya na sumulat pa ng libro tungkol sa buhay nila, halos hindi kilala si Isabel Preysler sa Pilipinas. Hamak na mas sikat ang anak niyang si Enrique Iglesias (Opo, nanay na si Isabel at 49 years old na siya) at ang kaniyang dating asawang si Julio. Dati raw siyang model sa Pilipinas. Dito naman sa España, naging commercial model siya ng alahas, makeup, sosyal na tsokolate, hanggang sa tiles pinasosyal niya at siya rin ang pinakasosyal na housewife sa España.

Hindi ako fan ni Isabel pero napaaway ako dahil sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapaaway kung sabihin sa ‘yong “Isabel es muy guapa pero antes parecía filipina” (Napakaganda ni Isabel pero noon mukha siyang Filipina)? Nagdilim ang paningin ko kaya hindi ko na maalala kung paano ko siya sinagot. Lalo na lang akong nalasing noong dinagdagan pa ng kasama niya na: “La bomba atómica se cayó en tu país, no?”(Sa Pilipinas bumagsak ang bomba atomika, hindi ba?)

Isip-isip ko na may kasamang friendly Filipino smile at Isabel Preysler composure: Ewan ko sa inyo. Sana rito na lang sa mesa natin bumagsak para hindi ko na marinig ang susunod na hirit ninyo.

One Response to “Is that Isabel Preysler?”

  1. Louie Simbi July 31, 2010 at 4:11 pm #

    nice Giovanni!!! que gwapa!!! i am reminded of the time na pumunta kau dito for a pageant.. so sorry for that!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: