Mahilig ka ba magbasa?

14 Jul

ni Marco Belviz

Siksikan at unahan sa upuan ang mga eksenang araw-araw mong makikita sa Metro ng Barcelona. Mapapapansin mo agad sa pag-upo mo pa lang ay nagbubuklatan na ng mga libro o diyaryo ang mga train commuters ng Barcelona. Kapansin-pansin din na kasama na sa araw-araw na buhay ng mga Kastila ang magdala ng libro o yung ibang mga hi-tech ay naka “electronic book” o mp3 player pa.

Sa aking pag-ikot at pagpasok sa trabaho ay kapansin-pansin din ang mga taxi drivers na Kastila sa kanilang paghihintay ay kontentong nagbabasa din ng mga libro o diyaryo. Hindi lang karaniwan ang mga paksang kanilang binabasa kundi mayroon ding mga novels, fiction, autobiography, philosophy, love stories, cooking, history, atbp.

Madalas din akong dumadaan sa Mercat de Sant Antoni, isang mercado sa centro ng Barcelona. Namangha ako sa dami ng tao kapag weekend at sa pagbibigay importansya at hilig ng mga Kastila sa pangongolekta ng mga libro at pagpapalitan ng mga second-hand books. Ito na marahil ay parte ng kanilang kultura, na ang pagbabasa ay isang uri ng relaxation o diversion.

Sa tinging ko isa ito sa mga magagandang habit ng kanilang kultura na kailangang tularan ng mga Pinoy. Ika nga, “Knowledge is Power”.

Ikaw kabayan mahilig ka ring magbasa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: