Handog Namin sa Paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Barcelona

12 Jun

Pabalat ng ika-5 isyu ng Ang Bagong Filipino. Para makakuha ng kopya, i-click lamang ito: Ang Bagong Filipino número 5

EDITORIAL NG IKA-5 ISYU NG ANG BAGONG FILIPINO

Sulong

Narito tayong lahat dahil mayroon tayong pangarap. Gusto nating umasenso. Nais nating sumulong.

Sa araw-araw na pakikipaglaban at pakikipagsapalaran, unti-unti tayong nalalapit sa ating nilulunggati. O baka naman unti-unti tayong nalalayo? Kaya napakahalaga na magkaroon tayo ng panahon para huminto, mag-isip, magmuni-muni at magbalik-tanaw.  Sa ganitong paraaan ay makakapagnilay tayo nang mabuti, masusuri natin ang ating sarili, ang ating kakayahan at kahinaan at lilingon tayo sa ating pinanggalingan. Tama ba ang landas na ating itinahak o tayo ay naliligaw na? Malapit na ba tayo sa ating mithiin? Ngunit hindi naman maabot ni matanaw ng marami? Nakatapak pa ba tayo sa lupa o nakatungtong na tayo sa kalabaw?

Inihahandog namin ang edisyong ito kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa kagandahang loob ng Centro Filipino-Tuluyan San Benito, ang edisyong ito ay naglalayong samahan tayong alamin, suriin at pahalagahan ang ating pinagmulan, kalinangan at kaugalian. Nang sa gayon ay hindi tayo malunod sa isang basong tubig, malasing sa karangyaan, at mahilam sa mga kumikinang.

Narito tayong lahat upang sumulong, hindi tumanda nang paurong. Daniel Infante Tuaño

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: