Nagkaisang dasal para sa halalan

11 Apr

“Puwede naman palang magkaisa…”

Ito ang ipinahayag ni Pastor Bong Infante ng grupong Jesus is Lord Church sa katatapos na “Prayer for the Nation” na ginanap sa Parroquia Patria Abraham sa Barcelona, Espanya.

Nagtipon ang iba’t ibang grupong relihiyosong Pilipino sa Barcelona upang sama-samang mag-alay ng panalangin at ipakita ang pagmamalasakit sa Pilipinas lalo pa at nalalapit na ang halalan. Nilayon din ng pagtitipon na mulatin ang ispiritwalidad at mabuting kaugalian sa buhay ng sambayanang Pilipino sa Barcelona. At isa rin itong paraan upang patatagin ang relasyon ng iba’t ibang grupo at pagkaisahin ang mga pinuno ng mga grupong ispiritwal sa Barcelona.

Nagbigay rin ng panalangin at mensahe sina Brother Jun Laquindanum ng The Salvation Army, Pastor Jonel Mendoza ng Great Commission Ministry,  Pastor Doods Sabado ng Word International Ministries , Fr. Avelino Sapida ng Parroquia Personal Filipina at si Consul General Eduardo Jose De Vega.

Lumahok din sa pagtitipon ang mga pinuno ng iba’t ibang organisasyong Pilipino sa Barcelona.  Ulat at larawan ni Daniel Infante Tuaño

Sama-samang nag-alay ng panalangin ang mga pinuno ng mga grupong relihiyoso at sibiko sa Barcelona.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: