Paano bumoto sa pamamagitan ng Postal Voting?

6 Apr

Nalalapit na  ang halalan sa Pilipinas at magsisimula na ring bumoto ang mga Pilipinong nasa labas ng bansa sa pamamagitan ng Absentee Voting. Ang isa sa mga paraan ng pagboto ay ang tinatawag na postal voting. Paano ba bumoto sa pamamagitan ng postal voting?

PAALALA: Bago simulan, tandaang ang mga sumusunod ay magpapawalang-saysay sa inyong balota 1) paggamit ng ibang sobre liban sa sobre na pinadala ng COMELEC  2) ang kawalan ng lagda sa “Official Ballot Envelope” at 3) mga balotang natanggap ng embahada o konsulado pagkatapos ng ika-6 ng gabi (oras sa Pilipinas) Mayo 10, 2010.

1. Isulat sa balota ang mga pangalan ng kandidatong iboboto para sa pagka “Presidente” “Bise Presidente”, “Senators” at partido o coalition na kasali sa “party-list system”.

2. Ilagay ang inyong “thumbmark” sa kupon ng balota na makikita sa ibabang bahagi ng balota.

3. Gupitin ang ballot coupon upang maihiwalay ito mula sa balota.

4. Ilagay ang ballot coupon sa loob ng “Official ballot envelope”.

5. Itupi ang balota.

6. Tanggalin ang papel na nakadikit sa paper seal.

7. Isara ang balota gamit ang paper seal (crosswise, upang matakpan ang siwang ng balota)

8. Ilagay ang selyadong balota sa loob ng “Official Ballot Envelope”.

9. Isara ang Official Ballot Envelope gamit ang sticker na nakadikit dito.

10. Isulat ang pangalan at lagda sa espasyong nakalaan sa labas ng Official Ballot Envelope. Ang mga Official Ballot Envelopes na walang pangalan at lagda ay walang bisa.

11. Lagyan ito ng selyo at ipadala sa Konsulado. Maaari ring dalhin ito nang personal sa Konsulado o kaya naman ipaabot ito sa isang kakilalang PILIPINO.

Mananatiling bukas ang Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona sa mga sumusunod na araw upang matugunan ang mga pangangailangang mayroon lamang kinalaman sa nalalapit na HALALAN:

Ika-10 ng Abril 2010 (Sabado):  8:00 ng umaga-5:00 ng hapon

Ika-11 ng Abril 2010 (Linggo) – ika- 09 ng Mayo 2010:  9:00 ng umaga- 5:00 ng hapon.  (kasama ang Sabado, Linggo at mga Holidays)

Ika-10 ng Mayo 2010: 9:00 ng umaga-12:00 ng tanghali

Kung kayo naman ay nagrehistro at hindi ninyo pa natatanggap ang inyong mga balota, mangyari lamang na sumangguni sa Konsulado at dalhin ang inyong pasaporte o residencia.

Impormasyon ibinahagi ng Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Commission on Elections .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: