Wagi muli si Direk Brillante Mendoza sa kaniyang huling pelikulang pinamagatang “Lola”, ngayon naman sa ika-11 Festival Internacional de Cine de Las Palmas de Gran Canaria.
Hinakot nito ang tatlong parangal: Lady Harimaguada de Oro para sa pelikula, pinakamagaling na aktres para kay Anita Linda at Rustica Carpio at best cinematography para kay Odyssey Flores.
Noong nakaraang linggo nanalo naman ito sa Miami Film Festival. Nakuha nito ang Grand Jury Prize kasama ang $25,000 cash prize sa kategoryang World Competition kung saan tinalo nito ang 12 pelikula na nanggaling sa iba’t ibang panig ng mundo.
Matatandaang nagwagi rin ito sa Dubai at Venice Film Festivals.
Ang “Lola” na pinangungunahan ng beteranang aktres na si Anita Linda, ay tungkol sa dalawang lola na may apong nasangkot sa isang kaso ng robbery-homicide: isa ay akusado at ang isa’y biktima. Ulat mula sa festivalcinelaspalmas.com, miamifilmfestival.com, inquirer.net at philstar.com
Leave a Reply