“Ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao ay isang pagbabagong positibo at etiko.”

20 Dec


Gabriela Patricia Ortega Madarieta, Mutya ng Barcelona 2009


Hindi lang ‘beauty and brains’, mulat din siya sa mga isyung panlipunan at aktibo sa mga gawain ng mga migranteng Pilipino. Kamakailanlang ay hinirang siyang Ambassador of Goodwill ng grupong  United Bicolanos in Barcelona. Kasalukuyang nag-aaral ng arkitektura at  naniniwalang dapat na magsumikap lalo na ang segunda generación upang mapaigi ang kanilang kalagayan.

Ang Bagong Filipino: Sinagot mo sa Q&A ng Mutya ng Barcelona na ang pinakaimportanteng pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay ang Pagpapahayag ng Karapatan ng Tao, bakit ito importante para sa iyo?

Gabriela: Resalté la Declaración de los Derechos Humanos como el hito importante en la historia de la humanidad porque trataba de un asunto que beneficiaba a todos globalmente. En mi opinión fue un cambio muy positivo y ético, que reconocía los derechos básicos de los seres humanos, independientemente de cual sea su raza, creencias u otras diferencias que pudieran crear prejuicios. Estableció reglas de igualdad para que las personas en situación de desventaja, en adelante, pudieran defenderse de los intereses y abusos cometidos por otros seres en el pasado.

(Tagalog translation) Binigyang diin ko ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao bilang importanteng pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan dahil isa itong bagay na mapapakinabangan ng lahat.  Sa aking opinyon, isa itong pagbabagong positibo at etiko na kumikilala sa karapatang basiko ng tao anupaman ang kaniyang lahi, paniniwala o iba pang uri ng pagkakaiba na maaaring pagmulan ng masamang pananaw.  Nagtatag ito ng mga pantay-pantay na patakaran upang ang mga taong nasa hindi gaanong mabuting kalagayan ay maaaring ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga interes at pang-aabuso ng ibang tao.

ABF: Ano ang masasabi mo sa kalagayan ng Karapatang Pantao ng mga migrante ngayon?

G: En principio, los derechos humanos son iguales para todos, pero esta igualdad depende de cada país de acogida, para mejor o para peor. Creo que en España los derechos básicos se respetan y los inmigrantes de aquí se les brinda la misma oportunidad que a todos, siempre que también pongan de sí. Eso sí, el país anfitrión, para mantener cierto orden y garantizar la armonía y convivencia entre todos tiene que establecer ciertas reglas que todos deben seguir.

(Tagalog) Sabihin natin na ang karapatang pantao ay pantay para sa lahat pero ang pagkakapantay-pantay na ito ay depende sa bansang kumukupkop sa kanila, maaari itong mas maigi o mas masama. Sa tingin ko ay ginagalang ang mga karapatang basiko sa España at ang mga migrante rito ay binibigyan ng pantay na oportunidad kagaya ng lahat kung magsisikap din siya. Ngunit ang bansang kumukupkop sa mga migrante ay kailangang magtatag ng ilang alituntunin na dapat sundin upang mapanatili ang kaayusan at magarantiya ang pagkakasundo-sundo at pagsasamahan.

ABF: Nakaranas ka na ba ng diskriminasyon?

G: En ciertas ocasiones, como la primera vez que me ven, y me tratan como si no supiera nada del país, por ejemplo, preguntan si como lo mismo que ellos. O en clase los primeros días, el profesor de repente cambia del catalán al castellano, incluso hablando más despacio cuando se dirige a mí. También en algunas tiendas me he sentido más vigilada, por prejuicios sobre inmigrantes, en general. Yo ignoro a gente que actúan con prejuicios y no me interesan personas con esos valores. Lo que importa es el círculo con quien tengo que convivir, que al conocerme se dan cuenta enseguida que estoy totalmente integrada.

(Tagalog) Sa ilang okasyon, kagaya ng unang beses na makilala ako, tinuturing nila ako na parang wala akong alam sa bansa, halimbawa, tinatanong nila kung kumakain din ako ng pagkain na kinakain nila. O sa paaralan sa mga unang araw, biglang babaguhin ng guro ang wika mula Catalan bigla akong kakausapin sa Castellano  at kung minsan nagsasalita sila nang mas mabagal kapag kinakausap ako. Kung minsan sa ilang tindahan nararamdaman ko minsan na parang mas binabantayan ako, dahil na rin sa masasamang pananaw sa mga migrante. Hindi ko na lang pinapansin ang mga taong may ganoong pananaw at hindi ko rin gusto ang mga taong may ganoong ugali. Ang mahalaga ay ang mga taong pakikisamahan ko, ang mga taong sa unang pagkakilala pa lang sa akin ay agad nang alam na lubos na akong integrada.

ABF: Mestiza ang turing sa iyo ng lipunan kagaya ng iyong ina na mitad Bicolana at mitad Española, at ang iyong ama naman ay Filipino, paano mo itinuturing ang iyong sarili? O hindi ka naniniwala sa pagkakahon ng identidad?

G: Yo nací en Madrid pero al año y medio nos mudamos a Catalunya.  No es que me sienta de un lugar, pero  a Catalunya le tengo mucho afecto y la considero mi hogar. Pero no tengo ningún reparo en decir que soy filipina, cuando me preguntan. Creo que es una ventaja ser de muchas culturas. Esto hace que las personas sean más interesantes que los que han permanecido en el mismo sitio toda la vida.

(Tagalog) Ipinanganak ako sa Madrid ngunit pagkatapos ng isang taon at anim na buwan lumipat kami sa Cataluña.  Hindi sa nararamdaman kong galing ako sa isang lugar ngunit espesyal para sa akin ang Cataluña at tinuturing ko itong aking tahanan. Ngunit wala akong anumang problemang sabihing ako ay Filipina kapag tinatanong ako ng mga tao. Sa tingin ko, isang bentaha ang magmula sa maraming kultura. Ginagawa nitong mas interesante ang isang tao kaysa roon sa mga lumagi lang sa iisang lugar sa buong buhay nila.

ABF: Naisipan mo bang mag-apply ng dual citizenship?

G: De momento no, al haber nacido aquí hasta ahora no lo he necesitado, pero ¿por qué no? Es un derecho y una ventaja más.

(Tagalog) Sa ngayon hindi pa.  Dahil sa ipinanganak ako rito hindi ko pa kailangan pero bakit hindi? Isa itong karapatan at isa pang bentaha.

ABF: Dito sa España at sa ibang parte ng mundo, kapag narinig ang salitang ‘Filipina’, ang unang pumapasok sa isip ay kasama sa bahay (empleada de hogar), ano ang masasabi mo tungkol dito?

G: No es muy halagador pero tampoco es tan grave. A los Filipinos se les considera gente trabajadora, y esto es más digno que robar o chantajear o peores oficios sin dignidad. Sin embargo, la segunda generación de Filipinos en su país de acogida debe esforzarse para mejorar su situación, y aspirar a algo más ya que las filipinas tenemos el potencial para hacerlo.

(Tagalog) Hindi ito napakalaking papuri ngunit hindi naman ito ganoon kasama. Itinuturing ang mga Pilipino bilang taong masisipag at ang trabahong ito ay mas marangal kaysa magnakaw o manakot o iba pang trabahong walang dignidad. Ngunit ang segunda generación ng mga Filipino sa bansang kaniyang kasalukuyang tinitirahan ay nararapat  magsumikap upang mapaigi ang kaniyang kalagayan at maglunggati ng higit pa dahil sa kaming mga Filipina ay mayroong kakayahang gawin ito.

ABF: Ano ang gusto mo sa pagiging Catalana-Filipina-Española?

G: De Catalunya me gusta su vanguardismo, su progresismo, la autonomía de cada individuo. De España me encanta su carácter abierto, su alegría de vivir, su solidaridad y humanidad. De Filipinas me gusta la gente, respetuosa , detallista, hospitalaria, con su capacidad de sobrevivir las adversidades y recuperarse con alegría.

(Tagalog) Sa Catalunya, gusto ko ang kaniyang pagiging abansado, pagiging progresista at ang independensiya ng bawat isa. Sa España, gusto ko ang kaniyang pagiging open-minded, pagiging masayahin sa buhay, ang kaniyang pakikiisa at pagiging makatao. Sa Pilipinas, gusto ko ang mga tao, magalang, maalalahanin, pagiging magiliw sa mga panauhin, at ang kaniyang kakayahan na malagpasan ang mga problema at makaahon mula rito nang may ngiti.

ABF: Bicol Express o Paella?

G: Adoro la comida, no puedo escoger. Me encanta probar platos de diferentes culturas, por eso me gusta viajar y recibir pasalubongs.

(Tagalog) Mahilig ako sa pagkain. Hindi ako makapamili. Mahilig akong tumikim ng mga pagkain ng iba’t ibang kultura kaya nga mahilig akong magbiyahe at makatanggap ng pasalubong.

ABF: Paskong Pinoy?

G: Afortunadamente he estado tres navidades en Filipinas. Es una celebración en familia, que pudimos disfrutar como tal. Creo que en Filipinas se vive la Navidad con más intensidad. (Aquí es más comercial) El espíritu de Navidad es palpable entre la gente, y los detalles en las tiendas y la amabilidad del personal, y todos en general.

(Tagalog) Masuwerte akong tatlong beses akong nag-Pasko sa Pilipinas. Isa itong pagdiriwang sa isang pamilya na pinagdiriwang namin nang malugod.  Sa tingin ko, mas matindi ang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas (Dito ay mas komersiyal) Ang espiritu ng Pasko ay mas nakikita sa mga tao, sa mga dekorasyon sa mga tindahan at ang pagiging mabait ng mga tao.

ABF: Pinakaimportanteng bagay na nakamit mo?

G: Mi primer sueldo, remuneración de mis esfuerzos, dando clase a niños; un trabajo que disfruté pero al mismo tiempo sufrí.

(Tagalog) Ang unang suweldo ko bunga ng aking pagpupursiging magturo ng mga bata. Naging masaya ako sa trabaho pero nahirapan din ako.

ABF: Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?

G: Los estudios. No es que me mantenga ocupada, mejor dicho, me tiene estresada. La arquitectura es una carrera dura, con muchos proyectos y trabajos que entregar. Pero me reta, por el esfuerzo que me costó para poder entrar en la carrera.

(Tagalog) Ang aking pag-aaral. Hindi lang sa pinagkakaabalahan ko ito, mas maigi sigurong sabihing, binibigyan na ako nito ng stress. Ang arkitektura ay isang mahirap na kurso dahil sa maraming proyekto at trabaho na dapat ipasa. Pero isa itong hamon sa akin, dahil na rin sa hirap na inabot ko  para makapasok sa kurso na ito.

ABF: Felicidades por ganar en Mutya ng Barcelona y mucha suerte en tu carrera.  Any Christmas wish?

G: Muchas gracias. Deseo poder tener más tiempo para mi  misma y disfrutar más, como joven que soy. También deseo salud para mi familia. Y me haría especial ilusión, hablando de temas actuales, que se pongan en marcha las medidas y resoluciones para frenar el calentamiento global de la Tierra.

(Tagalog) Binabati ka namin sa pagkapanalo mo bilang Mutya ng Barcelona at Good luck sa pag-aaral mo. Mayroon ka bang hiling ngayong Pasko?

Maraming salamat. Gusto kong magkaroon ng mas marami pang oras para sa sarili ko at ma-enjoy ko ito dahil sa bata pa ako, mabuting kalusugan para sa pamilya ko at dahil na rin sa pinag-uusapan ang mga kasalukuyang pangyayari ngayon, sana ay maipatupad ang mga paraan upang mapigil ang global warming.

Noong Disyembre 10,1948, ang Pangkalahatang Kapulungan ng United Nations ay nagsagawa at nagpahayag ng Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatang Pantao.

Ang Mutya ng Barcelona ay isang proyekto ng Emprendedores Pinoy.

Photo courtesy of Mr. Jun Cantor http://juncantor.multiply.com

One Response to ““Ang Deklarasyon ng Karapatang Pantao ay isang pagbabagong positibo at etiko.””

  1. Marlon Segovia December 23, 2009 at 1:04 pm #

    This young Filipina is a signature of a pure breed that will carry the honor of our Country.

    I pray that your organization will fund talents like her to stand as an icon that will represent the dignity of Filipinas, more known to be domestic helpers, “live-in prostitutes” that long has been humiliated in Taiwan and Arabian world.

    She needs to given the opportunity to travel around the world to see the multi-cultural architecture designs. There is no denying that her works will always reflect the Filipina values in any form.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: